Pagdinig sa Senado, maihahambing sa Kangaroo court
ANG nagaganap na pagdinig sa Senado sa sinasabing mga irregularidad sa Makati City Hall ay maihahambing sa isang kangaroo court. Ito ang pahayag ni Cavite Governor Jonvic Remulla, ang tagapagsalita ni Pangalawang Pangulong Binay sa mga isyung politika.
Ayon kay G. Remulla, ang pahayag nina dating Vice Mayor Ernesto Mercado at Mario Hechanova ay walang naibigay na konkretong mga prueba na magpapatunay sa kanilang mga pahayag. Binigyan umano ng pagkakataon si Hechanova na durugin ang imahen ng pangalawang pangulo ng walang anumang ebidensya. Ang mga pahayag na nagkaroon ng "rigged bidding" ay tinanggap na pawang katotohanan at 'di na nangailangan pa ng ebidensya nina Senador Antonio Trillanes at Alan Cayetano.
Idinagadag pa ni G. Remulla na ang nagaganap na imbestigasyon sa Senado ay isang kangaroo court na nakatuon sa darating na halalan sa 2016. Nabalitang interesado rin sina Senador Trillanes at Cayetano na lumahok sa darating na halalan.
1 2 3 4 5 6 7 8