|
||||||||
|
||
Opisyal ng US Agency for International Development, darating
MAGTUTUNGO sa Tacloban City si Dr. Rajiv Shah, ang ika-16 na administrador ng United States Agency for International Development (USAID). Siya ang namumuno sa may 9,600 mga development professional na naglilingkod sa 80 tanggapan sa buong daigdig.
Pasisinayaan ni Dr. Shah ang ilang mga proyekto ng USAID sa mga pook na hinagupit ni "Haiyan" noong nakalipas na taon. Dalawang typhoon-resilient buildings ang pasisinayaan sa Tacloban National Agricultural School na katatagpuan ng sampu sa higit sa 165 mga silid-aralang itinayo at pinaganda ng pamahalaan ng Estados Unidos sa Tacloban City at sa lalawigan ng Leyte.
Mayroon ding pasisinayaang 20 mga tindahan na itinayo sa pakikipagtulungan sa mga kumpanyang Americano tulad ng Coca-Cola at Procter & Gamble. May 1,000 may tindahan ang makikinabang sa programa
Magsasalita siya sa Buntis Congress sa Eastern Visayas Medical Center sa harap ng kapitolyo ng lalawigan sa kahalagahan ng kalusugan ng mga nagdadalang-tao.
Makakasama ni Dr. Shah sina US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg, USAID/Philippine Mission Director Gloria Steele at iba pang mga opisyal.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |