Pilipinas, ligtas pa rin sa MERSCoV
ANG nurse na isinugod sa Southern Philippines Medical Center dahilan umano sa Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus ay walang anumang karamdaman.
Nagmula ang balita kay Dr. Lyndon Lee Suy, tagapagsalita ng Kagawaran ng Kalusugan. Negative umano ang nurse na unang nabalitang positibo sa MERS Corona Virus sa Saudi Arabia. Dumating siya at isang kasama mula sa Dammam kamakailan.
Ang pangyayaring ito ang naging dahilan upang hanapin ang iba pang mga pasaherong nakasakay ng nurse sa Saudia Airlines at maging sa Cebu Pacific (flight) noong ika-31 ng Agosto patungo sa General Santos City. Sa pangyayaring ito, palalabasin na ang nurse mula sa pagamutan. Hindi na rin hahanapin pa ang mga nakasakay ng nurse pauwi sa Pilipinas at sa Mindanao.
Ayon kay Dr.Suy, maituturing na ligtas ang Pilipinas sa MERS Corona Virus.
1 2 3 4 5 6 7 8