|
||||||||
|
||
Sa Basketball, Pilipinas, nagwagi laban sa Senegal
SIGAW ang tanging maririnig sa mga kapitbahayan sa Metro Manila at sa iba pang panig ng Pilipinas kagabi sa pinakahuling laban ng Gilas Pilipinas basketball team laban sa Senegal. Hindi man nakapasok sa ikalawang round ng torneo hindi malilimutan ng mga Filipino ang pagwawagi kagabi sa score na 81-79.
Kahit pa nakapasok ang Pilipinas sa semi-finals noong 1978 FIBA games sa Maynila, ang pagwawagi kagabi ang kauna-unahan sa World Championships sa nakalipas na 40 matapos talunin ng Pilipinas ang Australia sa score na 101-100 noong 1974.
Ayon kay Coach Chot Reyes, pinakamahalaga na ang kanilang pagwawagi sa Group B kahit minsan matapos ang apat na sunod na pagkatalo.
Sa kanyang pahayag sa official website ng FIBA, sinabi ni G. Reyes na pinayuhan niya ang mga manlalaro na gawin ang magagawa upang maalala ng mga susunod na manlalaro ang kanilang pagwawagi.
Idinagdag pa ni Coach Reyes na mas maganda sana ang kanilang kalalagyan kung nagkaroon sila ng mas magagandang karanasan sa mas malalakas na koponan. Kung nasanay sana ang mga manlalaro, kasama na sa Madrid Round of 16.
Ginawa na ng koponan ng Pilipinas ang lahat sa laban nila sa Senegal, ayon kay Chot Reyes. Nanguna naman si Jimmy Alapag sa pagkakaroon ng 18 puntos. Umaasa siyang maging simula ang ibayong paghahanda at pakikipaglaro sa mga batikang manlalaro ng daigdig.
Nagsimulang maglaro si Alapag noong 2002 at madalas nang nakasama sa national teams.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |