|
||||||||
|
||
v Gabi ng Musika ika-36 2012 2012-09-21 Noong isang gabi, naimbitahan ako ng mga kababayang Pilipino na gumimik sa Radisson SAS Hotel. Habang nagkakatuwaan kami, hindi ko namamalayan na ini-sketch pala ng isang kababayan ang profile ko. Nagulat na lang ako nang ipakita sa akin ang sketch. Kamukhang kamukha ko talaga. Edwin Alcantara ang pangalan ng kababayan na hindi ko alam e mayrooon palang artistic talent. Thank you, Edwin... Salamat doon sa mga nagpapadala ng snail mail. Alam niyo, tuwang-tuwa talaga ako pag nakakatanggap ako ng ganitong porma ng sulat. Bihira na kasi ngayon ang nagpapadala ng snail mail, kaya pag nakakatanggap ako ng ganitong sulat, iba ang nagiging pakiramdam ko. Sana ipagpatuloy ninyo ang pagpapadala ng snail mail kung magagawa rin lang ninyo. Iba talaga ang dating nito sa akin.
|
v Gabi ng Musika ika-35 2012 2012-09-12 Guto ko pong ipahayag dito ang kasiyahan ko doon sa mga mag-aaral na Chinese na nag-aaral magssalita ng wikang Filipino. Bihira akong makarinig ng ganyan at mayroon palang ganyang diyan sa China. Biruin mo, sa dinami-dami ng lengguwahe sa mundo, Filipino pa ang napili nilang pag-aralan at interesado rin sila sa Pilipinas at buhay ng mga Pilipino. Kung buhay lang si Pangulong Quezon, siguradong matutuwa siya.
|
v Gabi ng Musika ika-34 2012 2012-09-06 Gustung-gusto ko ang bahaging "Tawa Na" ng programang Gabi ng Musika. Maiksi lang ito pero mahaba ang epekto. Kumuntik na akong masamid noong unang marinig ko ito. Kinuwentuhan mo kami ng hinggil sa mga parks at temples na napuntahan mo diyan sa Beijing. Sana, in future, kuwentuhan mo naman kami ng hinggil sa biyahe mo sa Xinjiang. Sana naman magbalik ang lakas ni Mrs. Sonia Brady. Mahihirapan tayong humanap ng kapalit niya bilang ambassador sa China. Matagal na siya riyan at marami nang experience.
|
v Gabi ng Musika ika-33 2012 2012-08-29 Sabi ng mga eksperto, ugaliin daw natin ang pag-e-ehersisyo para manatiling malakas at malusog ang ating pangangatawan at humaba ang ating buhay. One third daw ng adult population ng mundo ay physically inactive, at limang milyong tao ang namamatay taun-taon dahil sa "couch potato lifestyle." Ayon sa mga ekspertong ito, ang katawan daw ng tao ay nangangailangan ng ehersisyo upang makatulong sa maayos na paggana ng mga buto, kalamnan, puso at iba pang mga organ. Huwag daw tayong matakot na maglakad, tumakbo at magbisikleta at iwasan natin ang paggugugol ng maraming oras sa sasakyan at sa harapan ng computer.
|
v Gabi ng Musika ika-32 2012 2012-08-22 Sa ating "Tawa Na" portion ngayong gabi... Nagpalabas ng Oratio Imperata o Obligatory Prayer ang Archdiocese ng Maynila upang ipanalangin na tumigil na ang ulan at humupa ang baha sa Kalakihang Maynila at mga kalapit na lalawigan. Sa sirkular ni Archbishop Luis Antonio Tagle ng Maynila, ipinag-utos nito ang pagdarasal ng Oratio Imperata sa lahat ng idaraos na Misa, sa mga Holy Hour at maging sa pagro-rosaryo.
|
v Gabi ng Musika ika-31 2012 2012-08-15 Sa Alam ba Ninyo portion ng programa natin ngayong gabi, ibabahagi ko sa inyo ang karanasan ko sa isang village na nabisita ko noong ako ay magpunta sa isang lalawigan sa katimugan ng Tsina. Doon sa village na iyon ko narinig ang kasabihang "may pera sa bulaklak." At totoo naman. Marami na rin akong napuntahang village dito sa Tsina pero hindi ako nakaramdam ng labis na paghanga na tulad ng naramdaman ko sa isang village noong magpunta ako sa katimugan ng Tsina. Ang village na ito ay ang Dounan na matatagpuan sa Lunsod ng Kunming sa Lalawigan ng Yunnan. Ang Yunnan ay malapit sa border ng Tsina at Laos, Thailand at Myanmar. Ngayon, bakit kaniyo ako humanga? Biruin niyo, dahil lamang sa bulaklak, tumaas ang antas ng pamumuhay ng mga residente ng village na ito, at ngayon, ang produksiyon ng bulaklak pa ang naging gulugod na industriya o "backbone industry" ng village...
|
v Gabi ng Musika ika-30 2012 2012-08-08 Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh. Sa Alam ba Ninyo portion ng ating programa ngayong gabi, ipapakilala ko sa inyo ang isa sa mga paborito kong parke dito sa Beijing. Ito ay ang Beijing Bamboo Park, na di-kalayuan sa dating tinutuluyan kong Friendship Hotel.
|
v Gabi ng Musika ika-29 2012 2012-08-01 Tingnan muna natin kung ano ang sinasabi ng ilang tagapakinig hinggil sa pagbubukas ng 2012 London Olympics. Sabi ni Don Don ng Navotas, Metro Manila: "Gusto ko ang opening ng 2012 London Olympic Games. Talagang British na British ang dating. Makulay na makulay at buhay na buhay. Hindi nasayang ang maraming taong paghihirap nila. Dapat itong ipagmalaki ng mga mamamayan ng Gran Britanya." Sabi naman ni Manuela ng manuelakierrulf@ymail.com: "Engrande dating ng opening ceremony ng London Olympics. Obvious na obvious na maraming experts ang involved sa preparation nito. Very stunning mula sa costumes hanggang sa performances."
|
v Gabi ng Musika ika-28 2012 2012-07-18 Hindi ko alam kung bakit nila pinupuna iyong mga kasuotan ng American athletes na pupunta sa London Olympics. Eh, ano naman kung made in China ang mga damit nila? Iyun ang kursunada ng designer ng damit at sponsor ng mga manlalaro. Alalahanin nila na ang pondo ng mga manlalarong Amerikano ay nagmumula sa pribadong bulsa. Ayon sa balita, 7 point something daw ang GDP ng China sa second quarter of this year. Nagkaganoon man, ang China pa rin ang pinakamalakas na economy sa Asia at isa sa mga nangunguna sa buong mundo. Sa tingin ko, papanhik din ito sa mga susunod na quarters.
|
v Gabi ng Musika ika-27 2012 2012-07-04 Sabi naman ni Esther ng Shunyi, Beijing, China: Kuya Ramon, nakarating na ako ng Kunming at tahasang masasabi ko na qualified ito para maging most creative city ng China. Magkakasamang namumuhay sa Kunming ang ilang Chinese nationalities at ipinakikita nila in a most creative way ang pagdaraos nila ng kani-kaniyang festival. Makikita rin ang kanilang creativity sa kanilang mga kasuotan at paraan ng pagtanggap ng mga bisita. Hindi ba dapat isaalang-alang ang mga ito sa pagpili ng most creative city?
|
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |