|
||||||||
|
||
v Gabi ng Musika ika-20 2013 2013-05-24 Maganda iyong padala ninyong bookmarks na gawa sa balsa wood. Very attractive at maraming nagkakagusto. Baka puwede pang makahingi ng ilan. Pag nakabili ako ng radyo, magpapadala rin ako ng reception report para malaman ninyo ang quality ng broadcast ninyo sa short wave. Hanggang dito na lang muna, Kuya Ramon. Susulat uli ako pag may bagong balita. Until next time.
|
v Gabi ng Musika ika-19 2013 2013-05-17
Ang dating National Basketball Association superstar na si Yao Ming ay dumating sa bansa para sa friendly visit at bilang bahagi ng "Years of Friendly Exchanges" sa pagitan ng Pilipinas at bansang Tsina. Si Yao ay lumipad patungong Maynila noong nakaraang Biyernes matapos ang isang araw na pagdating ng Shanghai Sharks, ayon sa Department of Foreign Affairs. Si Yao at ang kanyang koponan ay nagsagawa ng basketball clinic para sa kabataang mahihirap noong ika-5 ng Mayo sa multi purpose arena sa Philsports sa Pasig City.
|
v Gabi ng Musika ika-18 2013 2013-05-10 Sabi naman ni Mariette ng Lumban, Laguna: "Hinahangaan ko ang pagkakaisa ng mga Chinese kung may natural disaster. Muling nasaksihan ang pagkakaisang ito noong maganap ang lindol sa Sichuan." Sabi naman ni Lodie ng Sta. Cruz, Zambales: "Salamat sa malasakit ng mga lider ng Tsina, nagbabalik na sa normal ang pumumuhay ng mga nasalanta ng lindol sa Lalawigan ng Sichuan. Salamat din sa dalangin ng maraming kababayan." Sabi ni Jocelyn ng New Territories, Hong Kong: "Nananawagan ako sa mga kababayan natin lalo na iyong mga absentee voter na gamitin ang kanilang isip at hindi emosyon sa kanilang pagboto. Alamin nila ang kakayahan at karanasan ng kanilang mga iboboto."
|
v Gabi ng Musika ika-17 2013 2013-05-03 Kaugnay ng lindol sa Sichuan Province, as of April 26, 196 ang bilang ng mga namatay, 21 ang nawawala, 13,000 ang sugatan, 690 ang nasirang mga impraistruktura at 2.46 na milyon ang mga mamamayang apektado. Hanggang ngayon, patuloy pa rin kaming nakakatanggap ng mga mensahe ng pakikiramay para sa mga pamilyang nawalan ng mga mahal sa buhay at ari-arian sa lindol. Maraming-maraming salamat sa inyo lalung lalo na kina Poska ng poskadot610@hotmail.com; Kate ng red_ford@yahoo.com; Dr. George ng george_medina56@yahoo.com; Aileen ng perfidia909@yahoo.com; Ebeth ng mistyeyed119@ymail.com; Manny ng manny_feria@yahoo.com; at Carol ng carolnene.edwards@gmail.com.
|
v Gabi ng Musika ika-16 2013 2013-04-26 Buksan natin ang ating munting palatuntunan sa isang maikling panalangin para sa mga biktima ng lindol sa Lalawigan ng Sichuan dito sa Tsina. Manalangin tayo... Ama namin, sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo... Ang Lushan County ng Ya'an City ng Lalawigan ng Sichuan dito sa Tsina ay niyanig ng magnitude 7 earthquake kahapon ng umaga. As of 5 o'clock kahapon ng hapon, 113 na ang bilang ng mga namatay. Patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation kaya inaasahang tataas pa ang bilang na ito. Sa totoo lang, nalaman ko lang ang hinggil sa pangyayaring ito noong magsimula akong makatanggap ng mga mensahe ng pakikiramay mula sa mga tagapakinig. Maraming-maraming salamat sa inyo. Nabagbag talaga ang damdamin ko ng inyong mga mensahe.
|
v Gabi ng Musika ika-15 2013 2013-04-19 Nagpapasalamat si Margie ng San Fernando, Pampanga dahil magmula raw noong sundin niya ang payo kong pagbababad ng mga paa sa mainit na tubig na may asin ay nakaramdam na siya ng ginhawa. Nabawasan daw ang pagsumpong ng kanyang rayuma. Alam niyo, iyan ay ipinayo rin sa akin ng isang kakilalang TCM doctor dito sa Beijing. Pero sinabi niya, iyon daw ay effective depende sa kung anong klase ng rayuma mayroon ka. Pero sinabi rin niya na wala namang mawawala kung susubukin mo dahil wala namang side effect. Tama nga naman. So, masaya na rin ako, Margie, dahil nakatulong pala iyong TCM tip na ibinigay ko sa iyo. Ingat ka lang sa mga kinakain mo. Iwasan mo iyong mga ipinagbabawal na pagkain. Salamat sa feedback and God bless you.
|
v Gabi ng Musika ika-14 2013 2013-04-15 Sabi ni Rolly ng Guadalupe, Makati City: "Ka Ramon, gusto kong bumati sa pagbubukas ng Boao Forum for Asia. Naniniwala ako na malaki ang maitutulong ng porum na ito para malutas ang mga nakakabagabag na usapin ng rehiyon at para mapanatili ang regional stability." Sabi naman ni Maricar Mendoza ng Cebu City: "Lagi kong pinakikinggan ang discussion ninyo sa programang pag-usapan natin at nagugustuhan ko ang mga topic ninyo. Kung minsan, gusto ko nga ring makisalo sa discussion ninyo. Mas maganda sana habaan ninyo ang programa para matalakay ninyo nang mabuti ang subject." Sabi naman ni Celesti Iniqo ng Kowloon, Hong Kong: "Kuya Ramon, sa tingin ko, ang biglaang paglitaw ng isyu ng Sabah ay may kinalaman sa darating na halalan. Alam mo naman siguro kung anong klase ng pulitika meron ang Pinas. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagma-mature ang mga pulitiko natin."
|
v Gabi ng Musika ika-13 2013 2013-04-05 Happy, happy Easter sa inyong lahat! Kumusta ba ang inyong Holy Week? Anu-ano ba ang mga ginawa ninyo sa mga araw na ito? Ibahagi naman ninyo sa amin. Kung nakikinig si Dekdek ng Paz Street, Paco, Manila, natanggap ko na ang padala mong Easter card. Maraming salamat sa iyo. Malaking tulong ang ginagawa mong pagpo-promote ng aming website. We couldn't thank you enough. Happy Easter and God bless.
|
v Gabi ng Musika ika-12 2013 2013-03-27 Palm Sunday pala ngayon. Nakalimutan ko kayong batiin. Maligayang Araw ng Palaspas sa inyong lahat. Ngayon ay holy day of obligation. Nagsimba ba kayo kanina? Ako ay nagpunta sa Immaculate Conception Cathedal, di kalayuan dito sa lugar namin, siguro mga 20 minutes by taxi. Nagpalaspas din kami. Ang ginagamit na palaspas dito ay iyong tangkay ng pine. Wala kasing dahon ng niyog dito sa Beijing. Alam ba ninyo kung ano ang sini-symbolize ng Palm Sunday? Una, sini-symbolize nito ang pagpapakumbaba. Ibig sabihin, lunukin natin ang pride natin at humingi tayo ng tawad sa taong nasaktan natin ang damdamin. Kaya ba ninyo iyon? Pangalawa, sini-symbolize nito ang perfection. Tayo ay matatawag na perfect kung mapapatawad natin ang ating mga kaaway. Kaya ba ninyo iyon? Kaya iyan. Pangatlo, sini-symbolize nito ang peace o pakikipagmabutihan sa ating kapuwa. Hindi ba mayroon nga tayong expression na "offering an olive palm"? Iyon iyon. Diyan galing iyon.
|
v Gabi ng Musika ika-11 2013 2013-03-22 Sabi ni Malou Chua ng Bambang, Sta. Cruz: "Taos-pusong bumabati ako sa lahat ng mga kaibigang Chinese diyan sa mainland at elsewhere sa pagkakahalal ng kanilang bagong Pangulo. Nasa bagong chapter na naman ang political life ng mga Chinese and I wish them success in all their endeavors." Sabi naman ni Lilian ng United Paranaque: "Binabati ko ang National People's Congress ng China sa pagtatapos ng taunang sesyon nito. Sa tingin ko, magdudulot ng malaking ginhawa sa karaniwang mamamayang Tsino ang mga naipasang batas na may direktang kinalaman sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay." Sabi ni Jacinta Musni ng IBM Peralta, Quiapo, Manila: "Kuya Ramon, hindi ko ma-i-describe ang katuwaan ko sa pagkakaroon natin ng bagong Papa. Akala ko matatagalan pa bago sila makapili. Sana ma-address ni Pope Francis I ang mga suliraning kinakaharap ng Catholic world."
|
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |