Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   
v Gabi ng Musika ika-26 2012 2012-06-27

Salamat sa inyong mga bating pang-Dragon Boat Festival, naalala ko na Dragon Boat Festival pala last Friday. Talagang nawala sa loob ko. Hindi ko ito dapat makalimutan dahil isa ito sa mga festival na may pinakamahabang kasaysayan dito sa Tsina. Ay, naku...

Sabi ni Kathy ng Ermita, Manila, kung gusto raw nating humaba ang buhay natin, dapat daw tayong manatiling optimistic, friendly at masayahin, at dapat lagi daw tayong tumatawa at open sa ating mga nararamdaman. Ayon daw iyan sa mga mananaliksik at dalubhasang Israeli...

Salamat, Kathy. Totoo iyan. Naniniwala ako riyan.

 

v Gabi ng Musika ika-25 2012 2012-06-20

Nakatsikahan namin sa Philippine Embassy noong Biyernes ang Filipino soprano na si Annie Luis. Si Annie ay miyembro ng Bayanihan Dance Company at naririto siya sa Beijing dahil siya ay nag-aaral ngayon ng Peking Opera. Sabi niya, kahanga-hanga raw ang tradisyonal na Chinese art na ito, unique na unique at hindi madaling pag-aralan. Very rigid daw ang training pero hindi niya pinanghihinayangan ang bawat sandaling ginugugol niya sa pag-aaral nito. Sabi niya, balak niyang sumulat ng thesis hinggil sa comparison ng Philippine sarsuwela at Peking Opera at balak din niyang magturo ng Peking Opera sa Pilipinas in the future.

Good luck sa iyong endeavor, Annie.

 

v Gabi ng Musika ika-24 2012 2012-06-13

Mayroong health tips si Jeffy Sumilhig ng Mandaue City, Cebu. Isasalin ko ito sa wikang Filipino. Sabi niya: (1) Guyabano ang pinakamahusay laban sa kanser. (2) Huwag iinom ng malamig na tubig kung kumakain ng fatty food. (3) Huwag iinom ng bitamina kasama ng malamig na tubig. (4) Uminom ng maraming tubig sa umaga; kaunti lamang sa gabi. (5) Iwasang kumain nang marami pagkaraan ng alas-singko ng hapon. (6) Huwag kaagad hihiga pagkaraang uminom ng gamot. (7) Ang pinakamagandang oras ng pagtulog ay mula alas-diyes ng gabi hanggang alas-kuwatro ng umaga para makapag-regenerate ng good cells. (8) Sagutin ang cellphone sa kaliwang tainga. (9) Kung ang power/signal ng cellphone ay nasa last bar, huwag itong sagutin dahil ang radiation ay 1000 ulit na malakas.

Maraming-maraming salamat, Jeffy. God bless you...

 

v Gabi ng Musika ika-23 2012 2012-06-06

Sabi ni Rolly ng Guadalupe, Makati City, mag-e-export na raw ng bigas ang Pilipinas sa 2013. Kinumpirma raw ito ni Secretary Proceso Alcala ng Department of Agriculture. Sinabi rin niya na isang Filipino couturier daw ang tatanggap ng U. S. Congressional Award dahil kasama siya sa mga lumikha ng kauna-unahang all-organic at eco-friendly gown na inirampa sa 2012 Oscar Awards noong February. Ang Filipino couturier ay si Angelo Santos. Hindi lang nabanggit kung kailan igagawad ang award.

Salamat sa magagandang balita, Rolly.

 

v Gabi ng Musika ika-22 2012 2012-06-01

Sumakabilang-buhay na ang mga hinahangaan nating mang-aawit na sina Donna Summer at Robin Gibb. Sila ay kapuwa namatay kasunod ng matagal na pakikipagbuno sa kanser.

Si Donna ay namatay noong May 17 sa Naples, Florida sa gulang na 63. Datapuwa't tinaguriang reyna ng disco, siya ay isang diverse artist na nagwagi ng Grammys sa iba't ibang kategorya, kasama na ang dance, R & B, rock at inspirational music. Noong araw na siya ay pumanaw, ipinatalastas din na ang kanyang awiting "I Feel Love" ng taong 1977 ay isa sa pinakahuling dagdag sa U. S. National Recording Registry sa Library of Congress, pinaniniwalaang isa sa mga tugtuging naghugis ng cultural landscape ng Amerika.

 

v Gabi ng Musika ika-21 2012 2012-05-23

Kumusta sa lahat ng staff ng Filipino service. Lagi akong nakikinig sa inyong mga balita. Tama sila: No News is good news. Ang latest development sa Greece, Spain at France ay magkakaroon sigurado ng mabigat na impact sa world economy--lalo naman sa sarili nating economy. Kaya nga ba lagi kong sinasabi na ang dapat pagtuunan ng pansin ng ating mahal na Pangulo ay ang ating kabuhayan at hindi ang Huangyan Island. Itong isyung ito ay may kinalaman lamang sa kanilang kampanya para sa isang taon. Hindi ito makakatulong sa ating bansa.

 

v Gabi ng Musika ika-20 2012 2012-05-16

Ngayon ay second Sunday of May. Happy Mother's Day sa lahat ng mommy, lalo na sa pinakamamahal kong mommy.

Moral obligation natin na gawing espesyal ang araw na ito para sa ating mga ilaw ng tahanan na dumanas ng katakut-takot na hirap sa pagpapalaki sa atin.

Iisa lang ang ating nanay. Hindi natin mapapalitan iyan. In a manner of speaking, mapapalitan natin ang ating asawa pero hindi ang ating nanay...

 

v Gabi ng Musika ika-19 2012 2012-05-09

Patuloy sa reformatting ang programang ito, kaya asahan niyo na magkakaroon ito ng mga karagdagang segment na tulad ng Sports News, biography at filmography ng mga paborito ninyong Hollywood stars, Lakbay-diwa, Trivia, Q and A at iba pa. Manatili lang kayong nakatutok sa radio at sa aming website.

Ilang araw lamang ang nakararaan, tumawag si Baby Balangue ng Atimonan, Quezon. Binabati niya ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa Pinas at abroad. Sabi niya, itinuturing niyang mga buhay na bayani ang ating mga Pinoy abroad. Ang pinagpapawisan nila aniyang pera ay sumusuporta sa pambansang kabuhayan. Pinapupurihan din niya ang mga manggagawang Pilipino at Tsino ng Serbisyo Filipino. Sabi niya, masuwerte ang mga manggagawang Tsino dahil malaki ang malasakit sa kanila ng Chinese government. Sa loob lamang aniya ng maikling panahon, naitaas ng gobyerno ang antas ng kanilang pamumuhay.

 

v Gabi ng Musika ika-18 2012 2012-05-04

Bigyang-daan natin ang e-mail ni Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran Singapore. Sabi niya: "Pareng Ramon, Happy Labor Day sa inyong lahat! Siguradong maraming demonstration at rally sa atin sa Pinas sa pagdaraos ng mga Pinoy ng Labor Day. Kung sabagay, hindi lang naman sa atin nangyayarin iyan. Maski sa mga bansa sa Europa marami ring demonstration lalo na sa panahon ngayon. Napakinggan ko ang talakayan ninyo ni Pareng Rhio hinggil sa pagbibigay ng reward sa magsasauli ng napulot na bagay na naiwan o nawala natin. Sa palagay ko, hindi na kailangang magkaroon ng espesyal na batas para riyan. Nasa sa atin na lang iyan. Kasi, kung may katumbas na halaga ang honesty ng isang tao, mahirap na ring masabi kung siya nga ay tunay na matapat. Nagsasauli lamang siya dahil alam niya na tatanggap siya ng pera. Hayaan nating praktisin ng kapuwa natin iyong kasabihang "Honesty is the best policy."

 

v Gabi ng Musika ika-17 2012 2012-04-25

May hatid na magandang balita si Josie ng Tecson, Sta. Cruz, Manila. Sabi niya sa kanyang e-mail: "Kuya Ramon, may magandang balita. Susubukin daw ang hybrid rice ng China. 40 bagung-bagong Chinese hybrid rice variety ang planong itanim sa isang demonstration farm dito sa atin para raw dumami pa ang bilang ng uri ng palay na maaring gamitin ng ating mga magsasaka. Magsasagawa ng pag-aaral ang Philippine-Sino Center for Agricultural Technology kung saan pipili sila ng 10 bagong variety ng palay para sa national cooperative testing. Ang mga mapipiling uri ay sasailalim sa mga adaptability trial sa 15 lalawigan. Ang pagdedebelop at commercialization ng mga uri ng hybrid rice ay isa sa tatlong component projects ng ikalawang bahagi ng bilateral agreement ng Pilipinas at China na isinagawa noong 2003 hanggang 2008. Ang ikalawang bahagi ay nagsimula last year at magtatapos sa 2016.

 

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>