Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   
v Gabi ng Musika ika-40 2013 2013-10-11

Sabi ni Mel San Juan ng Ermita, Manila: "Sana masamantala ni Pangulong Aquino ang 23rd ASEAN Summit at Apec Economic Leaders Meeting para mapabuti ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Tsina at mga bansang ASEAN. Alam ng lahat na naapektuhan ang relation na ito ng maritime dispute."

Sabi naman ni Roselle Lim ng West Coast Way, Singapore: "Maraming nagsasabi na mabuti na lang hindi natuloy ang paglusob ng Amerika sa Syria. Sasamantalahin daw kasi ng mga terrorist group ang pagkakataong iyon para isagawa ang kanilang masamang balak sa bansang iyon."

Sabi naman ni Celesti Kowloon, Hong Kong: "Ang hinahangaan kong Hong Kong film and song artist ay si Andy Lau. Hindi ko alam kung bakit giliw na giliw ako sa mga pelikula niya at kung bakit hindi ko pinagsasawaan ang mga kanta niya."

 

v Gabi ng Musika ika-39 2013 2013-10-05

Salamat kina Winston ng Sucat, Paranaque; Rolly ng Guadalupe, Makati City; Butch ng Subic Bay Port (Subic, Zambales); Cindy ng Olongapo City, Zambales; at Alice ng Ayala Avenue, Makati City. Natanggap ko na ang inyong mga mensaheng pambati para sa Pambansang Araw ng Tsina at babasahin ko ang mga ito sa pagpapatuloy ng ating programa.

Isang artista raw ang inoperan ng kalahating milyon para sa ibang trabaho pero hindi nito tinanggap. Si Super DJ Happy na lang ang magpapaliwanag kung sino itong aktor na ito at kung ano iyong ibang trabaho...

v Gabi ng Musika ika-38 2013 2013-09-27

Salamat din kina Isko ng Lemery, Batangas; Wendel ng San Juan de Letran Manila; Brix ng Makassar, Indonesia; Irish ng Shunyi, Beijing, China; at Merry Jeanne ng Carmona, Cavite. Natanggap ko na ang inyong mga SMS at babasahin ko ang mga ito maya-maya.

Isang aktres daw ang nagpatulong sa isang maimpluwensiyang personality para makakuha ng driver's license. Sino kaya ito? Alamin natin mula kay Super DJ Happy sa Balitang ...

v Gabi ng Musika ika-37 2013 2013-09-19

Salamat kina Espie ng del Pan, Sta. Ana; Lucy ng Circumferential Road,Antipolo; Ronnalyn ng Shunyi, Beijing, China; Arlene ng Nakar, SanAndres; at Wilma ng Bangkal, Makati City. Natanggap ko na ang mga SMS niyo at babasahin ko ang mga ito sa ikalawang bahagi ng ating programa. Young actor, halos isuka ng pinanggalingang ...

v Gabi ng Musika ika-36 2013 2013-09-13

Sabi ni Joseph ng Punta, Sta. Ana: "May kasabihan na 'Kung gusto mong gumanda, humanda kang gumasta.' Hindi mabibili ang medalya pero kung gusto mong makakuha nito, humanda kang gumastos para sa iyong mga manlalaro."

Sabi naman ni Charles ng B. F. Homes Paranaque: "Ang bagay na nakakatakot ay kung tumulong ang Rusiya sa Syria pag natuloy ang paglusob ng mga sundalong Amerikano doon. Paano na kaya? Hindi kaya mauwi sa mas malaki-laking digmaan? Huwag naman sana. Iyon lang aral ng Second World War ay sapat-sapat na. Huwag na sanang maulit."

Sabi naman ni Irish ng Shunyi, Beijing, China: "Ngayon pa lang ini-imagine ko na kung ano ang mangyayari sa Syria sakaling matuloy ang paglusob doon ng U. S. Ngayon pa lang ay milyun-milyon na ang umaalis ng bansa. Ano pa kaya kung mas malakas na bomba ang bumagsak doon mula sa American missiles. Mahirap na ma-anticipate ang mga susunod na pangyayari."

 

v Gabi ng Musika ika-35 2013 2013-09-06

Sabi ni Sharon ng Fangyuan, Beijing, China: "Kuya Ramon, napuntahan mo ba iyong Governor's Mansion noong magpunta ka sa Qingdao? Nakapasok ako doon noong bumiyahe ako ng Qingdao."

Sabi naman ni Brix ng Makassar, Indonesia: "Iyong resulta na nakuha natin sa AYG sa Nanjing ay nagpapakita lamang na dapat magkaroon tayo ng epektibong sports program at dapat maglaan ang gobyerno ng malaking pondo para sa pagsasanay ng mga manlalaro. Hindi natin dapat pabayaan ang sports dahil bahagi ito ng ating kultura."

Sabi naman ni Vic ng DLSU Dasmarinas: "Hindi maganda kung may U. S. military presence sa alinmang lugar ng Pilipinas. Lalo lamang magki-create ito ng tension sa paligid at baka pati iyong mga nakatira roon ay atakihin ng nerbiyos pag may baba-akyat na eroplano. Mas mabuting dumistansiya na lang sila. Parang awa na nila."

 

v Gabi ng Musika ika-34 2013 2013-09-02

Sabi ni Angie Leynes ng Bulacan, Bulacan: "Noon pa talagang questionable na iyang pork barrel. Hindi ko malaman kung bakit ngayon lang nila naisip na alisin iyan. Ilan-ilan lang naman ang nakikinabang diyan. Mabuti pa nga, alisin na lang iyan."

Sabi naman ni Isko ng Lemery, Batangas: "Bakit ganun iyong Million People March against Pork Barrel na inilunsad ng iba't ibang grupo? Hindi man lang umabot sa hundred thousand ang mga sumama."

 

v Gabi ng Musika ika-33 2013 2013-08-21

Sabi ni Super DJ Happy ng Sta. Ana, Manila: "Wala akong masabi sa Gilas Pilipinas. They are really a team to reckon with. Maganda ang performance nila laban sa South Korea at sa Spain. Kahit natalo sila sa Spain, panalo pa rin sila sa puso ng kanilang mga tagahanga."

Sabi naman ni Bernie Brown ng Paco, Manila: "Kailangang dagdagan natin ang ating pagsisikap para malutas ang issue ng South China Sea sa paraang diplomatiko. Wala tayong mahihita sa pagtatapang-tapangan."

Sabi naman ni Merry Jeanne ng Carmona, Cavite: "Basta sama-sama tayong magdasal para sa kapayapaan. Huwag tayong hihinto. Diringgin tayo ni Lord."

 

v Gabi ng Musika ika-32 2013 2013-08-15

Sabi ni Bernie Cameo ng Far Eastern University: "Ano ba ang idea mo ng Shangrila, Kuya Ramon? Sabi nila, ito raw ay daigdig na pinaghaharian ng walang katulad na katahimikan at ang paligid nito ay puspos ng kagandahan."

Sabi naman ni Ebeth ng Florante, Pandacan, Manila: "Tuwang-tuwa akong malaman sa inyo na marami palang artista sa Hollywood na may dugong Pilipino at hindi nila itinatago ito at ipinagmamalaki pa."

Sabi naman ni Santa ng P. Casal, Quiapo, Manila: "Idol talaga kita, Bro. Wala akong masabi sa iyo. Alagaan mo lang ang sarili mo. Huwag naman masyadong subsob sa trabaho."

 

v Gabi ng Musika ika-31 2013 2013-08-09

Sabi ni Bella ng Benguet, Mountain Province: "Sa lahat ng mga traditional Chinese instrument, ang pinakagusto ko ay ang erhu. Hindi ko alam kung bakit giliw na giliw ako sa matinis na tunog nito."

Sabi naman ni Fely ng Norzagaray, Bulacan: "Ayon sa mga balita, iyong driver daw ng nadiskarel na tren sa Spain ay gustong magpakamatay di-umano. Kung totoo ang balita, nakakalungkot talaga dahil naghanap pa siya ng damay."

Sabi naman ni Cindy ng Shunyi, Beijing: "Hinahangaan ko ang style ng China na hindi pagpapaimpluwensiya sa ibang bansa. Ginagawa nito ang lahat ng bagay nang sarilinan."

 

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>