Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   
v Gabi ng Musika Ika-30 2010 2010-12-01

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Salamat sa lahat ng mga nagpadala ng mga mensaheng pambati para sa pagtatapos ng Shanghai World Expo at pagbubukas ng Guangzhou Asian Games. Salamat kay KC Orioste ng Lumban, Laguna; Fely Buencamino ng Norzagaray, Bulacan; Sharon Olondres ng IBM Peralta Quiapo; Joselito ng Kamias, Quezon City; Chat Fajardo ng Punta, Sta. Ana; Bernie Cameo ng Far Eastern University; ......

 

v Gabi ng Musika Ika-29 2010 2010-11-26

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Maganda rin iyong naisip ni Pablo Cruz ng Cabangan, Zambales. Sabi niya, para maiwasan ang maraming tao, noong November 2 at hindi November 1 sila nagpunta sa sementeryo.

Tama iyon. Mas praktikal pa nga iyon, eh. Kung tutuusin, any time of the year puwede tayong magpunta sa cemetery para magtirik ng kandila, mag-alay ng bulaklak at manalangin para sa ating mga mahal na yumao.

 

v Gabi ng Musika Ika-28 2010 2010-11-19

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Kung nakikinig si Let Let Alunan ng Germany, hintayin mo ang tawag ko sa Linggo ng madaling araw, mga 2 o'clock dito sa Beijing. Sorry, naputol ang signal natin last time, kung kelan pa nagkakasarapan ang ating usapan. Hintayin mo na lang ang tawag ko, ok?

Sabi ni Caroline ng Australia, ipagdasal daw natin iyong mga biktima ng tsunami sa Indonesia. Marami daw namatay at nawala dahil sa disaster na nabanggit.

 

v Gabi ng Musika Ika-27 2010 2010-11-12
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Kung nakikinig si Buddy Boy Basilio and company, natanggap ko na iyong padala ninyong souvenir item from Dubai. Maraming-maraming salamat, mga pare ko.

Sabi ni Let Let Alunan ng Germany, marami daw kaming tagapagtaguyod sa Europe. Bumebenta raw ang website namin doon.

Alam ko, Let Let, na iyan ay dahil sa iyong tulong. Thank you so much.

 

v Gabi ng Musika Ika-26 2010 2010-11-08

Ooh, malamig na ngayon dito sa Beijing, lalo na sa gabi. Pag lumabas ka sa gabi nang walang takip sa ulo, lalo na kung malakas ang hangin, siguradong sisipunin ka. Actually, hindi ko iniintindi ang lamig. Kung basta mababa lang ang temperature, okay lang sa akin iyan. Pero kung malakas ang hangin, medyo mahirap. Pag dumampi sa tenga mo iyong malamig na hangin, malalaman mo kung ano ang tunay na kahulugan ng malamig, as in malamig.

 

v Gabi ng Musika Ika-25 2010 2010-10-29

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Sabi ni Celesti ng Malabon, malinaw daw niyang napapakinggan ang Gabi ng Musika sa 7.180 MgHz o sa 12.110 MgHz tuwing Sabado, alas-otso ng gabi. Ang reception quality daw ay 3-4-3.

Salamat sa iyong reception report, Celesti.

Salamat din sa lahat ng mga kababayan sa Shunyi, Beijing. Regular daw nilang pinakikinggan ang aming webcast sa filipino.cri.cn.

 

v Gabi ng Musika Ika-24 2010 2010-10-14

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

May text message dito and San Andres boys. Nakikinig daw sila sa mga oras na ito.

Parang hindi ata ako makapaniwala, ah. Parang binobola ako ng mga ito, eh. Alam ko guys marami na kayong nainom kaya hindi ninyo alam kung ano ang mga sinasabi ninyo. Well, anyway, maraming salamat sa National Day greetings niyo. Kayo ang unang-unang nagpadala ng mensaheng pambati para sa celebration ng Pambansang Araw ng China. Super salamat sa inyo! Pero, hinay-hinay lang ang inom, ha? Huwag sosobra, ha?

 

v Gabi ng Musika Ika-23 2010 2010-10-14

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Happy birthday kay Jeremiah ng Iridium, A. Francisco. Pasensiya ka na, ngayon lang kita mababati. Ano ba ang handa natin diyan? Ikain mo na lang ako, ha?

Sabi ni Evangeline ng Chaoyang District, Beijing, magkakasama raw silang nakikinig ng roommates niya sa aming website every day. 

Salamat sa iyo at iyong mga kasama, Evangeline.

 

v Gabi ng Musika Ika-22 2010 2010-10-13

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Kung nakikinig si Mark Legion ng Taguig, iyong request mong libro't CD ng Chinese lessons ay naipadala na namin. Paki-abangan mo na lang.
Mamaya meron tayong balitang artista. Mag-uulat si Super DJ Happy mula sa Maynila. Hahatdan niya tayo ng balita na may kinalaman sa buhay ng ating mga kilalang TV at movie personalities. Hindi ba nabanggit ko na noong nakaraan na hinihintay-hintay ko iyong tawag ni Super DJ Happy? Pero mamaya iyan. In the meantime. Bigyang-daan muna natin ang ating pambungad na bilang.

 

v Gabi ng Musika Ika-21 2010 2010-09-30

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Hinihintay-hintay ko ang tawag ni Super DJ Happy. Baka makasagap tayo ng balitang artista. Kung minsan, maganda rin iyong nakakapakinig tayo ng mga balita hinggil sa daigdig ng mga artista para maiba-iba naman ang laman ng utak natin. Mahirap din kung lagi na lang tayong seryoso, eh, di ba?

Medyo nag-iiba na ang klima ngayon dito sa Beijing. Parang naaamoy na ang padating na autumn. Walang iniwan iyan diyan sa atin sa Pinas, na pagpasok ng ber month, parang naaamoy na natin ang parating na Kapaskuhan, di ba?

 

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>