Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   
v Gabi ng Musika Ika-5 2015 2015-05-07

Sabi ni Evelyn Sy ng C. M. Recto, Sta. Cruz, Manila: "Huwag na muna sanang manghimasok sa buhay-pulitika natin ang ating mga kaparian. Nakakadagdag lang sila sa gulo. Mag-concentrate na lang sila sa charity work at social building."

Sabi naman ni Cindy ng Olongapo City, Zambales: "Sinusundan ko buhay ng mga kababayan natin diyan sa China through your program 'Mga Pinoy sa Tsina.' Katakut-takot na hirap pala dinaranas nila kumita lang sila sa para sa kanilang mga pamilya na nasa Pinas. Kailan kaya mangyayari na hindi na mag-a-abroad mga kababayan natin at mananatili na lang sila sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay dito sa Pinas?"

Salamat sa inyo, Evelyn at Cindy.

 

v Gabi ng Musika Ika-4 2015 2015-04-28

Get well soon kay Ate Precy Remolin ng Marinduque. Nabalitaan ko na dinapuan ka raw ng karamdaman. Sana hindi magtagal iyang sakit mo na iyan. Mahirap magkasakit, he, lalo na riyan sa Pinas. Pagaling ka agad, Ate.

Sabi ni Ivy Nunes ng Name, Lungsod ng Kalookan: "Alam ko na marami at iba-iba ang paraan ng pagse-celebrate ng Chinese Lunar New Year sa iba't ibang lugar ng China, pero isa lang ang mensahe ko sa lahat: Double happiness and more success."

Sabi naman ni Kristen ng Kalayaan Avenue, Makati City: "Hindi ata bagay na tawaging Year of the Yang ang kasalukuyang lunar year dahil ang nagdaan ay Year of the Horse at ang susunod naman ay Year of the Monkey. Lahat ng pangalan ng hayop ay Ingles. Kaya Year of the Sheep na lang. Mas okay."

 

v Gabi ng Musika Ika-3 2015 2015-04-09

Kumusta sa lahat ng mga dabarkads diyan sa Adonis, Pandacan. Alam ko na mayroon kayong Valentine's party kagabi. Hindi ko kayo nabati dahil wala akong programa kagabi, kaya ngayon ko lang kayo nababati. Sana walang MU sa inyo kagabi at sana nag-enjoy kayo sa inyong party.

Sabi ni Vicky ng Ibarra, Sampaloc, Manila: "Bakit kaya may mga grupo na gustong bumaba sa puwesto si Pangulong Aquino dahil sa nangyari sa Mamasapano? Hindi naman fair iyon dahil ibinoto siya ng mga tao, eh. Hayaan na lang nila na tapusin niya ang term niya."

Sabi naman ni Rowena ng Malaybalay, Bukidnon: "Happy Valentine's Day at happy Spring Festival sa inyong lahat diyan, Kuya Ramon. Sana mapalawak pa ninyo ang programming niyo at sana magkaroon kami ng chance na makapag-contribute sa inyong special feature programs."

 

v Gabi ng Musika Ika-2 2015 2015-04-07

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Quote for the day: "There is no love without a deed of love."-- Jean-Paul Sartre

Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong pagugupo sa problema dahil kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon." Kaya, cool lang kayo. Cool, men, cool.

Bukod sa mga piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang mga SMS, e-mail at snail mail mula sa mga tagapakinig at ang pinananabikan ng marami na Chinese recipe. Kaya huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod na dalawampung minuto dito sa Gabi ng Musika atbp.

 

v Gabi ng Musika Una 2015 2015-03-13

Quote for the day: "No one has ever become poor by giving."-- Anne Frank

Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong pagugupo sa problema dahil kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon. Kaya, cool lang kayo. Cool, men, cool...

 

v Gabi ng Musika ika-23 2014 2014-07-16

Quote for the day: "Let us always meet each other with smile, for the smile is the beginning of love."--Mother Teresa

Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.

Sabi ni Dr. George ng George_medina56@yahoo.com: "Binabati ko kayo sa matagumpay ninyong pagdiriwang ng Sino-Filipino Friendship Day. Sana naman matapos na nga ang hidwaan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina. Kailangan natin ang isa't isa at dapat tayong magtulungan."

Sabi naman ni Stephanie Lim ng C. M. Recto, Sta. Cruz, Manila: "Sana huwag nang madagdagan ang bilang ng mga refugees na umalis ng kanilang mga bahay dahil sa kaguluhan sa kanilang mga bansa. Malaking problema iyan sa ating lahat."

 

v Gabi ng Musika ika-22 2014 2014-07-02

Quote for the day: "It is better to be hated for what you are than to be loved for what you are not."--Andre Gide

Sabi ni Mildred ng Cebu City: "Iyong programa ninyong Cooking Show, Kuya Ramon, bukod sa informative na, nakakalibang pa. Sana ipagpatuloy pa ninyo ito at tumagal pa ito sa air. Enjoy kami ng pakikinig sa tambalan ninyo ni Ate Cielo."

Sabi naman ni Elsa ng Lungsod ng Kalookan: "Binabati ko kayo sa matagumpay ninyong Selebrasyon ng Pagkakaisa. Nakita ko lahat ang pictures. Kay gaganda ng kuha. Congratulations sa inyong lahat!"

 

v Gabi ng Musika ika-21 2014 2014-07-01

Quote for the day: "Friends and good manners will carry you where money won't go."--Margaret Walker

Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapagupo sa problema dahil kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon." Kaya, cool lang kayo. Cool, men, cool.

Bukod sa mga piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang mga SMS, e-mail at snail mail mula sa mga tagapakinig at ang pinananabikan ng marami na pagluluto ng isang Chinese recipe. Kaya, huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod na dalawampung minuto dito sa Gabi ng Musika atb.

 

v Gabi ng Musika ika-20 2014 2014-06-20

Quote for the day: "Responsibility is the price of freedom,"--Elbert Hubbard

Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapagupo sa problema. Kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon." Kaya, cool lang kayo. Cool men, cool.

Bukod sa mga piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang mga SMS, e-mail at snail mail mula sa mga tagapakinig at ang pinananabikan ng marami na pagluluto ng isang Chinese recipe. Kaya, huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod na dalawampung minuto dito sa Gabi ng Musika atbp.

 

v Gabi ng Musika ika-19 2014 2014-06-13

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Quote for the day: "Love is the only force capable of transforming an enemy into friend."—Martin Luther King, Jr.

Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong pagugupo sa problema dahil kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon." Kaya, cool lang kayo. Cool, men, cool.

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>