|
||||||||
|
||
v Gabi ng Musika Ika-20 2010 2010-09-30 Hello there! Ito po si Oline, just pitching in for Kuya Ramon Jr. para sa Gabi ng Musika. Sabi ni Rolly de Mesa ng 3M Philippines, malupit daw pala ang kalikasan. Milyong tao daw ngayon ang nagdurusa sa Pakistan at iba pang lugar ng mundo dahil sa matinding baha. Iyan daw ang resulta ng pang-aabuso natin sa kalikasan. Kasalanan daw nating lahat iyan. Hay, naku, sinabi mo pa, Rolly. Talaga naman.
|
v Gabi ng Musika Ika-19 2010 2010-09-14 Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika. Buksan natin ang edisyong ito ng Gabi ng Musika sa pamamagitan ng pag-aalay ng maikling panalangin para sa mga biktima ng hostage-taking sa Maynila. Manalangin tayo... Sasamantalahin ko na rin ang pagkakataong ito para pasalamatan ang lahat ng mga tagapakinig na nagpadala ng kanilang mensahe ng pakikiramay sa buong sambayanang Tsino kaugnay ng nabanggit na pangyayari. Maraming-maraming salamat po!
|
v Gabi ng Musika Ika-18 2010 2010-09-14 Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika. Sabi ni Mira ng Lunsod ng Kalookan, sana raw audio-video iyong programa naming Cooking Show para raw nakikita nila iyong mga mukha ng guest cooks at napapanood nila kung paano niluluto iyong Chinese recipe na idinedemo ng mga panauhin. Matagal na naming pinag-aaralan iyan, Mira. Huwag kang mag-alala. Malapit-lapit na tayo diyan. Huwag ka lang mainip.
|
v Gabi ng Musika Ika-17 2010 2010-09-14 Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika. Salamat sa lahat ng mga texter na nagpadala ng mga mensahe ng pakikiramay para sa mga biktima ng mudslides sa Lalawigan ng Gansu ng Tsina. Salamat sa 918 730 5080, 919 426 0570, 928 211 0629, 921 378 1478, 919 651 1659, 910 611 8423, 906 201 1184, 915 160 8843 at 919 204 4301. As of yesterday, ang bilang ng mga namatay ay umabot na sa 1,114. Salamat din kay Let Let Alunan sa kanyang constructive criticism ng aming News and Current Affairs at iba pang mga programa. Sana hindi ka magsawa ng pagbisita sa aming website at pagpapadala ng mga puna. Mainit naming tinatanggap ang iyong makabuluhan at kapakipakinabang na mga kritisismo. Salamat din kina Ebeth, Poska, Dr. George at Caroline sa kanilang malasakit sa inyong abang lingkod.
|
v Gabi ng Musika Ika-16 2010 2010-08-31 Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika. Salamat uli sa lahat ng mga nagpadala ng mensahe ng pakikiramay para sa mga biktima ng baha dito sa Tsina. Talagang walang katapusan ang aming pasasalamat sa inyo. God love you all. Salamat din sa iyo, Let Let, sa pagpo-promote mo ng aming website sa Europe. Hindi namin alam na ganyan pala kami kalakas sa iyo. Salamat din sa inyo, Randolfh ng Baguio City, Rommel ng Kalibu, Aklan, at Jeffy ng Cebu, sa inyong patuloy na pagtangkilik sa aming mga programa. Maraming-maraming salamat poh!
|
v Gabi ng Musika Ika-15 2010 2010-08-13 Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika. Maraming salamat sa lahat ng nagpadala ng mga mensahe ng pakikiramay para sa mga biktima ng baha dito sa Tsina. May God love you all! Tiyak na makakarating sa mga kinauukulan ang inyong mga mensahe... Maalinsangan ngayon dito sa Beijing. Maalinsangang maalinsangan, kaya lalo kong nami-miss iyong halo-halo natin...
|
v Gabi ng Musika Ika-14 2010 2010-08-13 Magandang magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika. Sabi ni Mareng Gina ng Baclaran, nakikinig daw siya ng mga pinatutugtog kong Chinese songs sa Gabi ng Musika habang nagluluto siya ng isang Chinese recipe. Maganda raw ang kinalalabasan ng niluluto niyang putahe kung sumasabay siya ng pagkanta sa mga pinatutugtog kong awitin sa radyo. Maraming maraming salamat, mare, pero hindi ka kaya nagbibiro?
|
v Gabi ng Musika Ika-13 2010 2010-08-13 Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika. Meron tayong magandang balita rito. Wala na raw tumatagas na langis sa Gulf of Mexico. Successful daw iyong capping nila ng nasirang tubo. Inoobserbahan na lang daw kung hindi bibigay sa pressure. Let's keep our fingers crossed. Narinig ninyo ang magandang tinig ni Jolin Tsai sa awiting "Paradise," na lifted sa album na pinamagatang "You Can Listen and Sing with Us." Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
|
v Gabi ng Musika Ika-12 2010 2010-07-30 Magandang magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika. Sabi ng mga may kinalamang eksperto sa larangan ng kalusugan, ang isang paraan daw ng paglaban sa matinding init ng panahon ay iyong pag-inom ng konting tubig maya't maya. Hindi raw kailangang uminom nang marami nang minsanan. Iyong pakonti-konti lang pero maya't maya. Nasasabi ko ito dahil nararanasan ngayon sa iba't ibang bahagi ng mundo ang heat wave o sobrang taas ng temperatura. Pakinggan natin ang ipinapayo ng mga eksperto para maiwasan natin ang pagkakasakit. Mahirap na, eh. Ang mahal pa naman ng pagpapagamot ngayon.
|
v Gabi ng Musika Ika-11 2010 2010-07-30 Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika. Sabi ni Mareng Gina ng Baclaran, natuloy na rin daw ang pagbubukas ng branch ng kanyang Chinese resto sa Dasmarinas, Cavite. Sana raw nandun ako sa pasinaya. Natikman ko raw sana iyong mga putaheng Tsino na natutuhan niya sa aming Cooking Show. Okay lang iyon, mare. Ang mahalaga, natuloy ang pagbubukas. Binabati kita. Sana madagdagan pa nang madagdagan ang branches ng resto mo. Congratulations ang God bless, mare!
|
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |