Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   
v Gabi ng Musika ika-30 2013 2013-08-01

Sabi ni Ronnalyn ng Shunyi, Beijing, China: "Sa karaniwan, pag sinabing Great Wall, ang tinutukoy ng marami ay Badaling. Pero maraming bahagi ang Great Wall at Badaling lang ang madalas na pinupuntahan ng mga turista. Sana mabisita rin nila ang Mutianyu at Juyungguan."

Sabi naman ni Esther ng Pandacan, Manila: "Maganda iyong tips ninyo para sa safe na biyahe, pero kahit na anong ingat ang gawin natin naroon pa rin ang panganib dahil puwedeng maingat tayo pero hindi naman maingat ang iba at hindi lahat nasa kontrol natin."

Sabi naman ni Alex Campos ng Orani, Bataan: "Malakas ang sampalataya ko sa peaceful negotiation bilang pinakamagandang paraan ng paglutas sa mga issue. Dapat buong pakumbabang maupo sa harap ng hapag ng talastasan ang lahat ng mga taong sangkot sa usapin para malutas ang problema."

 

v Gabi ng Musika ika-29 2013 2013-07-26

Ano ang sinasabi ng mga tagapakinig hinggil sa isyu ng pagbabalik ng U. S. Military Base sa Pilipinas?

Sabi ni KC Orioste ng Lumban, Laguna: "Hi, Kuya Ramon! Tutol ako sa pagbabalik ng American Military Base sa Pilipinas at installation ng Japanese Military Base. Hindi natin kailangan ng military base at military presence kundi economic base at investors presence."

Sabi naman ni Angie Leynes ng Bulacan, Bulacan: "Ang U. S. military presence sa bansa ay lilikha lamang ng regional tension. Kung sakali, tayo na lang ang bansang may gustong maglagay ng American base sa atin. Dapat matuto tayong makipagkaibigan sa lahat ng bansa para wala tayong katakutang kaaway."

Sabi naman ni Kate Ventura ng Paco, Manila: "Hindi magandang naririto sa atin ang American base. Mai-involve tayo sa digmaan na hindi naman sa atin at labag sa ating kalooban. Makakagalit natin pati iyong mga bansang katuwang natin sa negosyo at mga cultural exchanges."

 

v Gabi ng Musika ika-28 2013 2013-07-19

Kakuwentuhan namin noong isang gabi si Sharon, isang kababayan na matagal na ring namamalagi rito sa China. Naikuwento niya sa amin ang hinggil sa biyahe niya sa Nanjing. Sabi niya, hindi raw niya makakalimutan ang lunsod na ito. Malalim na malalim daw ang iniwan nitong impression sa kanya. Sabi niya, sa green na green na kapaligiran pa lang, malalasing na ang mga manlalakbay na magagawi rito. Buong pagmamalaking sinabi niya na karamihan sa mga residente ng Nanjing ay gourmet at sa lahat ng local food ng lunsod, ang roasted duck ang pinakapopular.

Siguro, sa ibang pagkakataon, pag medyo mahaba ang oras natin, ibabahagi ko sa inyo ang kabuuan ng kanyang salaysay hinggil sa Nanjing. Nakakatuwa naman...

 

v Gabi ng Musika ika-27 2013 2013-07-12

Sabi ni Joy ng Muntinlupa, Metro Manila: "Marami-rami na rin akong alam na lutong Tsino pero gusto ko pa ring matuto ng mga iba pa. Kaya, sana i-resume ninyo ang pagsasahimpapawid ng inyong Cooking Show. Type ko ang mga putaheng Tsino lalo na iyong mga mula sa Mainland."

Sabi naman ni Evelyn ng San Felipe, Zambales: "Malaya tayong gawin kung ano ang gusto nating gawin sa ating mga sarili. Pero, kung magpaparetoke tayo ng mukha, siguruhin natin na hindi natin kinokopya ang mukha ng iba o beauty ng iba. Panatilihin naman natin ang talagang hugis ng mukha natin."

Sabi naman ni Doris ng Lumban, Laguna: "Hindi lang ako nakikinig sa programa ninyo. Binibisita ko pa ang website ninyo. Iyan ay kasama sa regular kong gawain araw-araw. Talagang naglalaan ako ng oras para sa mga programa ng Serbisyo Filipino. Ganyan ako katapat sa serbisyo ninyo."

 

v Gabi ng Musika ika-26 2013 2013-07-08

Sabi ni Roselle Lim ng West Coast Way, Singapore: "Kuya Ramon, salamat sa paliwanag mo hinggil sa talagang haba ng Great Wall of China. Iba-iba kasi ang mga figures na nababasa ko kaya medyo confused ako. Kumbinsido ako sa paliwanag mo. Salamat and mabuhay!"

Sabi ni Joselito ng Kamias Road, Quezon City: "Para sa akin, siguro dapat makipag-compromise si Snowden sa U. S. para makabalik siya sa Amerika at maharap niya ang kaso niya. Wala siyang maraming choices dahil alangang magbigay sa kanya ng asylum ang karamihan sa mga bansa."

Sabi naman ni Annie Tanchico ng IBM Peralta, Quiapo: "Sa tingin ko, Kuya Ramon, kayo ay hindi lamang gumaganap ng papel bilang tulay ng pagkakaibigan ng mga Pilipino at mga Chinese kundi 'bridge over troubled water' din ng mga kung baga ay nasa 'bingit ng pagkalunod.'"

 

v Gabi ng Musika ika-25 2013 2013-06-28

Sabi ni Bernie Cameo ng Far Eastern University: "Ikinatutuwa ko ang pagdaraos ninyo diyan sa Beijing ng promotion ng Filipino food. Sana magkaroon pa ng mga ganyan kahit walang espesyal na okasyon. Malaking tulong iyan para malaman ng iba ang ating historical background at national heritage. Sana nagustuhan ng iba ang lahat ng ating mga lutuin."

Sabi naman ni Fely Buencamino ng Norzagaray, Bulacan: "Binabati ko ang lahat ng mga kababayan diyan sa China sa kanilang get-together in connection with Philippine Independence Day. Sana maging masaya ang party dahil minsan-minsan lang naman magkasama-sama ang members ng Filipino community."

Sabi naman ni Ronnalyn ng Shunyi, Beijing, China: "Lagi kong binibisita ang website ninyo, Kuya Ramon. Halos araw-araw ata binubuksan ko ito. Solved ako sa mga programa ninyong "Movie Buddy," "Mga Pinoy sa Tsina," "Pag-usapan Natin," "Maarte Ako," at "Pop China." Nagpapasalamat din ako sa pagpo-post ninyo ng mga message ko sa inyong website.

 

v Gabi ng Musika ika-24 2013 2013-06-21

Sabi ni Lucas Baclagon ng Jeddah, Saudi Arabia: "Inaasahan ko na magiging matagumpay ang pagbisita ni Pangulong Xi Jinping sa U. S. Ang relation ng dalawang bansa ay mahalaga hindi lang sa kanila kundi pati na rin sa lahat ng bansa ng mundo. Asamin natin ang pinakamabuti sa kanilang relasyon."

Sabi naman ni Angie Leynes ng Bulacan, Bulacan: "Binabati ko ang mga kababayan diyan at mga kaibigang Chinese sa kanilang pagdiriwang ng Sino-Filipino Friendship Day. Sana magkaroon ng improvement ang relasyon ng Pilipinas at Tsina sa mga darating na araw."

Sabi naman ni Plum Regalado ng University of Santo Tomas: "Happy Independence Day sa inyo, Kuya Ramon. Sana, tuluyan na tayong makawala sa kontrol ng mga dayuhang bansa at matuto tayong tumayo sa ating sarili sa abot ng ating makakaya."

 

v Gabi ng Musika ika-23 2013 2013-06-17

Nawala ako nang ilang araw dahil nagpunta kami ng Nanning para sa coverage ng China-South East Asia High Level People-to-People Dialogue at para makapanayam din si Senator Ferdinand Marcos Jr., na dumalo sa nabanggit na dialogue.

Ang Nanning ay isang lunsod sa Lalawigan ng Guangxi at ang lalawigang ito ay matatagpuan sa katimugan ng Tsina, malapit sa Vietnam, kaya ang klima rito ay katulad na katulad ng sa atin, medyo mainit at umido.

Bukod sa masasarap na pagkain, na-impress din ako sa kalinisan at kagandahan ng lugar. Marami rin silang high-rise buildings pero ang mga ito ay may sariling katangian--hindi mo masasabing American at hindi mo rin masasabing European ang styles. Mayroon din silang espesyal na daan para sa pedestrians at hindi maaaring pumasok sa daanang ito ang mga motorsiklo, bisikleta at kotse, kaya safe ang pakiramdam mo pag naglalakad ka rito.

 

v Gabi ng Musika ika-22 2013 2013-06-11

Sabi ni Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran Singapore, hindi raw niya narinig noong basahin ko iyong sulat niya, kaya babasahin ko uli for the second time.

Sabi ng sulat:

"Alam niyo, mga kaibigan, hindi ako mahilig magluto dahil allergic ang ilong ko sa amoy ng nilulutong pagkain, pero nagpapasalamat ako sa inyong programang 'Cooking Show' kasi magmula nang makapakinig dito ang misis ko, nabawasan ang kaniyang pag-sho-shopping dahil naloka sa pagluluto at nagsisimula ngayong gumawa ng koleksiyon ng recipes ng Chinese food. Maraming salamat sa inyong lahat at happy cooking."

Salamat, Pareng Buddy. Wala na akong utang, ha?

 

v Gabi ng Musika ika-21 2013 2013-05-30

Sabi ni Rod ng Zamora, Pandacan: "Kuya Ramon, nakabili ako ng kopya ng libro hinggil sa philosophy ni Lao Zi. Tama ang sabi mo na maganda ang do nothing philosophy niya at ito ay pinapraktis ng ilang bansang kanluranin. Engrossed na engrossed ako ngayon sa librong ito. Salamat sa tip."

Sabi naman ni Dorothy ng Cebu City, Philippines: "Hindi ko malaman, Kuya Ramon, kung bakit maraming war freak ngayon. Hindi ba may kasabihan na 'Kung makukuha ng paupo, huwag nang tumayo'? Sa digmaan, walang panalo, lahat talo. Bakit hindi sila mag-isip ng mga bagay na maglalayo sa atin sa digmaan?

Sabi naman ni Chelsea ng Lipa City, Batangas: "Kuya Ramon, enjoy na enjoy ako ng pakiinig sa CD ng Chinese traditional music na ipinadala mo. Sa totoo lang, paulit-ulit kong pinakikinggan. Hindi ko lang maintindihan ang lyrics pero gustung-gusto ko iyong melody."

 

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>