Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   
v GABI NG MUSIKA Ika-10 2010 2010-07-19

Magandang magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Sabi ni Ebeth Viola ng Switzerland, marami daw siyang napupulot na lessons sa mga binabasa kong SMS at e-mails. Sana raw haba-habaan ko pa ang oras ng Gabi ng Musika para mas marami daw akong mabasang SMS at sulat.

Thank you, Ebeth.

Alam mo, talagang gusto kong mabasa at one time iyong mga natatanggap naming SMS at e-mails, pero wala tayong magagawa sa oras. That's beyond my control. Anyway, thanks sa iyong appreciation. Sana hindi ka magsawa ng pakikinig sa amin.

 

v GABI NG MUSIKA Ika-9 2010 2010-07-19
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Salamat uli doon sa mga nagpadala ng mga mensaheng pambati para sa Dragon Boat Festival. Hindi ko ini-expect na maaalala ninyo ang araw na ito kasi hindi naman ito kasing popular ng Chinese New Year. Nakakatuwa naman. Mamaya, bibigyang-daan ko ang ilan sa mga mensaheng ito.

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

Narito iyong mga sinasabi kong mga mensaheng pang-Dragon Boat Festival. Pasensiya na kayo, tapos na ang festival pero ngayon ko lang mababasa ang mga ito dahil Sabado lang ang programa natin.

 

v GABI NG MUSIKA Ika-8 2010 2010-07-09
Magandang magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Ipinapaalala ko na kung gusto ninyong marinig ang full version ng program na ito, magpunta lang kayo sa aming website, filipino.cri.cn, tapos hanapin ninyo iyong mga blog. Pag nakita ninyo iyong mga blog, hanapin naman ninyo iyong blog ng inyong lingkod, Dear Kuya RJ, okay?

Thank you sa moral support, DR. George, Poska at Elisa. Alam niyo, talagang kailangan ng inyong loving DJ ang inyong reassurances at prayers. Thank you uli...

 

v GABI NG MUSIKA Ika-7 2010 2010-07-09
Magandang magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Sabi ni Joselito ng Kamias, Quezon City: "Gusto ko makita iba-ibang pavilions sa SWE. Meron bang pictures na available?"

Sabi naman ni Kate Ventura ng Pedro Gil, Paco, Manila: "Bigyan niyo naman ng snapshot iyong China pavilion. Malaki raw at highly digitalized."

Sabi naman ni Divine Garcia ng Congressional Road, Project 8, Quezon City: "Sana makunan ninyo ng picture iyong mga staff members ng Philippine pavilion."

Gusto kong ulitin dito na kung may bagay o mga bagay na gusto ninyong makita sa Shanghai World Expo o sa ating pavilion, iyong Philippine pavilion sa Shanghai World Expo, iteks ninyo sa amin sa 09212572397 o i-e-mail sa filipino_section@yahoo.com. Kukunan namin ito o ang mga ito ng picture at ipi-feature namin sa aming website para sa inyong kasiyahan.

 

v GABI NG MUSIKA Ika-6 2010 2010-07-09
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Inuulit ko na kung meron kayong bagay o mga bagay na gustong makita sa Shanghai World Expo o sa ating pavilion, iyong Philippine pavilion sa Shanghai World Expo, ipaalam lang ninyo sa amin at kukunan namin ng picture at ipi-feature sa aming website para sa inyong kasiyahan. Iteks ninyo sa 9212572397 o i-e-mail sa filipino_section@yahoo.com. Uulitin ko ko: 9212572397 kung sa SMS at filipino_section@yahoo.com kung sa e-mail.

Salamat nga pala, Sylvia, sa padala mong greeting card.

 

v GABI NG MUSIKA Ika-5 2010 2010-07-09

Magandang magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Maraming salamat sa lahat ng mga nagpadala ng Easter greetings na ang karamihan ay may kasama pang passages from the Bible. Itong mga pangungusap na ito mula sa banal na kasulatan ay malaking encouragement doon sa mga nalilito, nasisiphayo at nawawalan ng pag-asa. Siguro wala nang makahihigit sa mga pangungusap na ito kung inspiration din lang ang pag-uusapan.

Salamat din sa mga kababayan dito sa Beijing na nagpadala ng chocolate bars at novelty items noong Easter Sunday. May God love you all!

 

v GABI NG MUSIKA Ika-4 2010 2010-04-23

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Happy Easter sa inyong lahat, lalong lalo na sa inyo diyan sa San Andres, Paco, Pandacan, at Punta, Sta. Ana. Alam ko na meron kayong "Find the Easter Egg Contest." Hihintayin ko ang resulta.

Sabi ko na sa inyo talagang nakakaloka ang lagay ng panahon, eh. Last Tusesday, inulan kami rito sa Beijing. Hindi malakas pero tumagal maghapon at malamig ang paligid. Very unusual iyan sa panahon ng spring. Dapat pag ganitong spring e maganda na ang klima.

 

v GABI NG MUSIKA Ika-3 2010 2010-04-16

Magandang magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Maraming salamat sa lahat ng mga nagpadala ng Easter greetings na ang karamihan ay may kasama pang passages from the Bible. Itong mga pangungusap na ito mula sa banal na kasulatan ay malaking encouragement doon sa mga nalilito, nasisiphayo at nawawalan ng pag-asa. Siguro wala nang makahihigit sa mga pangungusap na ito kung inspiration din lang ang pag-uusapan.

Salamat din sa mga kababayan dito sa Beijing na nagpadala ng chocolate bars at novelty items noong Easter Sunday. May God love you all!

 

v GABI NG MUSIKA Ika-2 2010 2010-04-09

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika. Ni hao ma? Kumusta na kayo?

Nagpapasalamat si Masami Shigematsu ng Kahilom, Pandacan. Sabi niya: "Salamat, Kuya Ramon. Narinig ko na binasa mo ang message ko sa last episode ng Gabi ng Musika. Ang lakas ko pala sa iyo. Thank you, thank you, thank you, super RJ!"

Walang anuman, Masami. Ngayon mo lang nalaman na malakas ka sa akin? Ako lang naman ang mahina sa iyo, eh.

 

v GABI NG MUSIKA March 13, 2010 2010-03-18

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Meron uli tayong ilang quotations dito.

Sabi ng 906 201 1704: "Love and humility are totally inseparable. You cannot have real love without real humility."

Sabi naman ng 918 730 5080: "Ang mapagkunwaring luha ay nakakasakit ng kapuwa. Ang mapagkunwaring ngiti, nakakasakit ng sarili."

Sabi naman ng 928 001 4204: "Loving those who love you is fair, but loving your enemies is perfect."

 

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>