Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   
v Gabi ng Musika ika-10 2013 2013-03-18

Sabi ng 928 442 0119: "Kilalanin natin ang mga karapatan ng kababaihan hindi lamang kung sumasapit ang kanilang araw. Ituring natin ang bawat araw na Araw ng Kababaihan."

Sabi naman ng 906 201 1704: "Dapat ang bawat bansa ay may maaasahang batas na tunay na mangangalaga sa mga karapatan ng mga babae. Ang mga babae ang pinaka-vulnerable na members of society."

Sabi naman ng 919 564 9010: "Dapat mag-impose tayo ng pinakamabigat na parusa sa krimen ng pag-i-smuggle ng kababaihan at bata. Ito ay malaking krimen hindi lamang sa bansa kundi sa sangkatauhan."

 

v Gabi ng Musika ika-9 2013 2013-03-14

Sabi ni Celesti Inigo ng Kowloon, Hong Kong: "Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano tumatakbo ang Chinese Congress, kaya nagpapasalamat ako sa mga impormasyong ipinagkakaloob ninyo hinggil dito."

Sabi naman ni Jocelyn Golondrina ng Mandaluyong City, M. M., Philippines: "Dapat talagang magbago ng patakaran ang mga magiging bagong puno ng China. Mas complicated ngayon ang takbo ng panahon kaya mas malaki ang challenge na kanilang kinakaharap."

Sabi naman ni Elycia Tupaz ng Quirino Highway, Malate, Manila: "Ang achievement ng legislature ng isang bansa ay wala sa haba ng panahon ng session. Ito ay nasa dami ng naisasabatas na panukala."

 

v Gabi ng Musika ika-8 2013 2013-03-06

Para sa ating quotation sa araw na ito, "Count your blessing instead of crosses / Count your gains instead of losses / Count your joys instead of woes / Count your smiles instead of tears / Count your courage instead of fears / Count your full years instead of leans / Count your full deeds instead of wealth / Count your God instead of yourself."--Anonymous

Ang nagpadala ng quotation na iyan ay si Jinky ng Molino, Bacoor, Cavite. Thank you so much, Jinky.

 

v Gabi ng Musika ika-7 2013 2013-03-05

Sabi ng 906 522 9981: "Happy Valentine's Day 2013, Kuya Ramon! Wala pa bang napapana si Kupido para sa iyo? This is the best time, Year of the Snake!"

Sabi naman ng 928 442 0119: "Maligayang Araw ni Balentino sa Seksiyong Filipino? Kumusta ang ating roses and chocolate? Marami ba?"

Sabi naman ng 910 435 0941: "Masayang Araw ng mga Puso, Kuya Ramon at mga kasama sa Filipino Service. Sana na-enjoy ninyo ang candle light dinner kasama ang inyong loved ones."

Sabi naman ng 917 401 3194: "Happy, happy Valentine's Day sa Gabi ng Musika at sa iyo, Kuya RJ. May you stay as lovely as ever, Kuya Ramon!"

 

v Gabi ng Musika ika-6 2013 2013-02-27

In the spirit of Chinese Lunar New Year, gusto kong pasalamatan ang lahat ng walang-sawang nagtataguyod ng aming mga programa, lalung-lalo na ang mga sumusunod: Fely Buencamino ng Norzagaray, Bulacan; KC Orioste ng Lumban, Laguna; Emmy Panajon ng Florante, Pandacan, Manila; Plum Regalado ng University of Santo Tomas; Chat Fajardo ng Punta, Sta. Ana; Angie Leynes ng Bulacan, Bulacan; Pat Cusi ng Atimonan, Quezon; at Kate Ventura ng Paco, Manila.

Salamat din kina Poska ng poskadot610@hotmail.com; Dr. George ng george_medina56@yahoo.com; Ebeth ng mistyeyed119@ymail.com; Manny ng manny_feria@yahoo.com; Manuela ng manuelakierrulf@ymail.com; Carol ng carolnene.edwards@gmail.com; at Lisa ng elisabornhauser@leunet.ch.

 

v Gabi ng Musika ika-5 2013 2013-02-26

Sabi ng 921 577 9195: "Sa ngalan ng mga kasamahan ko sa DX Club International Manila, nagpapasa ako ng bating pang-Spring Festival sa lahat ng kagawad ng Serbisyo Filipino. Sana magpatuloy kayo ng pag-e-entertain at pag-i-inform sa amin."

Sabi naman ng 928 914 3227: "Hindi namin ini-expect na magri-reply kayo sa mga SMS namin dahil kami ay karaniwang tagapakinig at karaniwang mamamayang Pilipino lamang. Talaga lang, mabuhay kayo!"

Sabi naman ng 910 611 8423: "Ilang tulog na lang, Chinese New Year na. Ngayong taon ay Year of the Water Snake. Ano ang pagkakaiba ng water snake sa ibang snakes? Happy New Year sa inyo!"

 

v Gabi ng Musika ika-4 2013 2013-02-08

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Den Den Mejia ng Pulong Bulo, Angeles City, Pampanga.

Sabi ng kanyang sulat:

As early as today, gusto kong iparating sa inyong lahat diyan sa Serbisyo Filipino ang bati kong pang-Spring Festival 2013. Sana maging enjoyable at maalwan ang inyong celebration at sana magkaroon kayo ng holiday break para ma-enjoy ninyo ang Chinese New Year to the fullest.

Nagustuhan ko iyong mga topic na "No Pants Day," at "Illegal Foster Mother" sa inyong programang Pag-usapan Natin. Maganda ang inyong discussion and I enjoyed it very much. Umasa kayo na lagi kong susubaybayan ang programang ito.

 

v Gabi ng Musika ika-3 2013 2013-01-29

Sabi ng 919 642 8830: "Sa tingin ko, malaki ang role mo sa pagtutulak ng relation ng Philippines at China. Ang mga program mo ay naglalapit nang naglalapit sa amin ng mga Chinese. Unti-unti naming natututuhan ang kanilang kasaysayan at kultura at unti-unti ring nagugustuhan ang Chinese food and music."

Sabi naman ng 917 401 3194: "Kung nagiging popular man ang CRI sa buong mundo, ito ay dahil sa efforts ng mga language service nito na tulad ng Filipino Service. Nasaan ang plaque of appreciation ng Filipino Service?"

Sabi naman ng 910 826 0152: "Natuto na akong makinig sa Chinese pop music. Kahit hindi ko naiintindihan ang lyrics, enjoy ako sa melody. Iyon pala ang secret: Pag paulit-ulit mong pinakikinggan, talagang iyong kagigiliwan. Sana masabi mo sa amin kung ano ang mensahe ng bawat awitin na pinatutugtog mo para lalo naming ma-appreciate."

 

v Gabi ng Musika una 2013 2013-01-18

Happy Three Kings sa inyong lahat! Buksan natin ang ating munting palatuntunan sa isang requested song...

Narinig ninyo si Barry Manilow sa kaniyang awiting "It's All in a Game," na lifted sa album na pinamagatang "the Ultimate." Ang awiting iyan ay request ni Lucy Castrence ng Lumban, Laguna.

Salamat sa lahat ng mga kaibigan-tagapakinig sa Shunyi, Beijing; New Territories, Hong Kong; Gachnang, Switzerland; at West Coast Way, Singapore. Mabuhay kayo!

 

v Gabi ng Musika ika-47 2012 2013-01-11

Manigong Bagong Taon sa inyong lahat! Handa na ba ang ating pang-Media Noche? Iwas sa paputok, ha?

Ang Bagong Taon ay araw ng pasasalamat. Salamat sa lahat ng mga regular na nakikinig o kung hindi man ay regular na nagpapadala ng SMS, e-mails at snail mail. Gaya ng paulit-ulit kong sinasabi, walang katapusan ang pasasalamat ko sa inyo. Sana maging mapagpala ang inyong 2013.

May request si Roselyn ng Kamuning, Quezon City. Sabi niya kung puwede raw patugtugin ko iyong kantang "Pasko Na Sinta Ko" ni Gary V. Walang problema. Patutugtugin ko iyan pagkaraan ng mga piling mensahe.

 

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>