|
||||||||
|
||
v Gabi ng Musika ika-8 2014 2014-03-12 Sabi ni Gemma Abad ng Cebu City, Philippines: "Kung mayroong dapat sisihin sa pagbabago ng klima, ito ay iyong mga industrialized nations. Sila ang malakas magbuga ng usok na nakakasira sa protective screen ng atmosphere. Sila ang dapat unang kumilos para mapigilan ang paglala ng climatic condition." Sabi naman ni Techie Villareal ng West Coast Way, Singapore: "Naniniwala ako na ang pagluluto ay hindi lamang para sa mga babae. Maski mga lalaki ay dapat ding matutong magluto, lalo na iyong mga pamilyado. Dapat din silang maki-share sa mga gawaing-bahay, di ba?" Sabi naman ni Estela ng Kalayaan Avenue, Makati City: "Tama sabi ng ilan niyong tagapakinig. Matatagalan pa bago makabalik sa dating kalagayan ang Samar at Leyte, kaya dapat patuloy pa tayong magkaloob ng tulong sa kanila. Kung meron kayong mga fund raising drive, huwag niyo kaming kalilimutang timbrihan."
|
v Gabi ng Musika ika-7 2014 2014-03-07 Sabi ni Mitch ng Galas, Quezon City: "Talaga bang problema rin ngayon jan senyo ang traffic? Hindi ba malalapad mga kalye jan? Baka naman sobra dami ng private cars. Marami pa rin bang nagbibisikleta?" Sabi naman ni Maricar Mendoza ng Cebu City: "Belated greetings para sa Chinese New Year, Kuya Ramon. Alam ko nabati na kita noon pero babatiin pa rin kita. Sana lagi kang masaya at malayo sa mabibigat na problema." Sabi naman ni Rolly ng Guadalupe, Makati City: "Binabakbakan pa rin kami rito ng ulan at bagyo, Ka Ramon. Hindi ko alam kung bakit paboritong paborito tayo ng bagyo. Ganyan ba kalaki atraso natin sa kalikasan?"
|
v Gabi ng Musika ika-6 2014 2014-03-05 Sabi ni Manuela ng Bel-Air Makati City: "Salamat, Kuya Ramon, sa book hinggil sa works ni Lao Zi. Very interesting iyong book at marami akong natutuhan sa philosophy ni Lao Zi. Nandun din iyong tinatawag na "do nothing philosopy," na ginagamit ng mga Chinese business people kaya successful sila sa kanilang negosyo." Sabi naman ni Elsa ng Olongapo City: "Hi, Kuyang! Enjoy na enjoy ako sa pagluluto ng mga padala mong Chinese recipes. Ang pinipilit kong ma-master sa ngayon ay iyong Straw Mushrooms and Leaf Mustard. Oras na maperpek koi to, ipapatikim ko kaagad sa mga friends ko. Salamat sa recipe."
|
v Gabi ng Musika ika-5 2014 2014-02-14 Nagtatanong si Cecile ng New York, Cubao, Quezon City kung paano raw ako nagsisimba kung Linggo (ang sweet mo naman Cecile) at kung marami raw simbahang Katoliko dito sa Beijing. Narinig mo iyong sinabi ko, Cecile? Ang sweet mo, hehehe. Oo naman, regular akong nagsisimba kung Linggo. Ang pinakamalapit na Catholic church dito sa amin ay mga 20 minutes away lang by taxi. Iyan ay kung hindi ma-traffic; kasi, tulad din diyan sa atin, problema din dito ang traffic. Ang pangalan ng simbahan ay Church of the Immaculate Conception of the Blessed Mary o sa Chinese Nan Tang. Ito ay itinayo ni Father Matteo Ricci, isang Italian Jesuit, noong 1601. Sana mabisita ito ng mga kababayan na magagawi dito sa Beijing. Salamat sa pagsulat, Cecile.
|
v Gabi ng Musika ika-4 2014 2014-02-11 Sabi ng San Andres boys: "Maligayang bati, Kuya Ramon, para sa 2014 Chinese New Year. Wish lang namin na sana panikin ka pa ng maraming biyaya sa taong ito at sana makaiwas ka sa matitinding sakit ng ulo." Sabi naman ni Delia ng Malabon, Metro Manila: "Happy Spring Festival sa Gabi ng Musika at sa iyo, Kuya Ramon. Napakinggan ko iyong program ninyo hinggil sa mabuting ama. Sa opinion ko, ang pamamalo sa anak ay ginagamit lamang na last resort. Kung makukuha ang bata sa mabuting pangaral hindi na kailangang paluin pa. Dapat malaman din ng bata na pinagsasabihan mo siya dahil mahal mo siya at ayaw mo siyang mapasama at hindi dahil mainit lang ang ulo mo o galit ka lang." Sabi naman ni Carmi ng Singalong, San Andres, Manila: "Nakakalungkot naman, Kuya Ramon. Enero na, binabagyo at binabaha pa tayo. Sabi, ito raw ay climate change at walang ibang dapat sisihin kundi tayo ring mga tao dahil sa sobra-sobra ang pang-aabuso natin sa kapaligiran. Anong sey mo rito?"
|
v Gabi ng Musika ika-3 2014 2014-01-23 Quote for the day: "Keep love in your heart. A life without it is like a sunless garden when the flowers are dead."—Oscar Wilde ... |
v Gabi ng Musika ika-2 2014 2014-01-22
Quote for the day: "I am very lucky to be alone because I have nobody to lose."—Anonymous Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? |
v Gabi ng Musika Una 2014 2014-01-15 Sabi ni Francis ng B. F. Homes Paranaque: "Sabi nila ang 2014 daw sa Chinese lunar calendar ay Year of the Horse. Wish ko lang na sana makuha ninyo ang lakas, sigla at bilis ng kabayo para mabilis din ninyong matamo ang mga hinahangad ninyo sa buhay." Sabi naman ni Merry Jeanne ng Carmona, Cavite: "Masayang Araw ng Tatlong Haring Mago, Kuya Ramon! Ang pagdalaw ng Tatlong Hari kay Jesus at pagbibigay ng mga regalo ay nagpapakita kung gaano ka-importante si Jesus sa atin at gaano kahalaga ang kanyang pagsilang." Sabi naman ni Bro. Felix ng Methodist Church Manila: "Sana tularan natin ang ating Savior. Siya ay naparito para maghatid ng kapayapaan sa ating lahat. Simulan natin ang pagpapalaganap ng kapayapaan at simulan natin ito sa ating mga puso at isip."
|
v Gabi ng Musika ika-52 2013 2014-01-08 Quote for the day: "The holiest of holidays are those kept by ourselves in silence and apart; the secret anniversaries of the heart."—Henry Wadsworth Longfellow... |
v Gabi ng Musika ika-51 2013 2014-01-02 Tatlong tulog na lang Pasko na. Maligayang Pasko sa inyong lahat. Kumusta ba ang paghahanda natin diyan para sa Pasko? Naka-set up na ba ang inyong mga Christmas décor? Nakapamili na ba kayo? Handa na ba kayong humarap sa inyong mga inaanak? In the spirit of Christmas, kalimutan muna natin ang mga proble-problema. Isaisantabi muna natin ang mga iyan. Huwag kayong mag-alala at malulutas din ang mga problema na iyan. Salamat sa lahat ng mga pangunahing tagapagtaguyod ng Serbisyo Filipino, lalung- lalo na kina Poska ng poskadot610@hotmail.com; Dr. George ng george_medina56@yahoo.com; Ebeth ng mistyeyed119@ymail.com; Manny ng many_feria@yahoo.com; Manuela ng manuelakierrulf@ymail.com; Carol ng carolnene.edwards@gmail.com; Let Let ng paulette_anne@yahoo.com; at Elisa ng elisabornhauser@leunet.ch.
|
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |