Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   
v Gabi ng Musika ika-46 2012 2013-01-07

Magandang gabi at maligayang Pasko sa inyong lahat. Dalawang tulog na lang Pasko na. Handa na ba kayong humarap sa inyong mga inaanak? Walang taguan, ha?

"Experience is the best schoolmaster, only the school fees are heavy."--Anonymous

Salamat kay Charles Martin ng Antipolo, Rizal. Siya ang nagpadala ng anonymous quotation na iyan.

Salamat din sa lahat ng regular texters at e-mail senders. Wala akong masabi sa inyo. Talagang kayong lahat ay super. Walang katapusan ang pasasalamat ko sa inyo. God bless you all...

 

v Gabi ng Musika ika-45 2012 2012-12-24

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Jenny Sunga ng Malaybalay, Bukidnon. Sabi ng kanyang liham: "Dear Kuya Ramon, Christmas season na. Naalala ko na Christmas season noong unang makinig ako sa pagsasahimpapawid ng Serbisyo Filipino. Panahon din ng Pasko noong unang magpunta ako sa China at mabisita ang Forbidden City, Temple of Heaven at iba pang tourist spots sa Beijing. Ano naman kayang special event ang magaganap ngayong Kapaskuhan? Paano ang Simbang Gabi ninyo riyan sa Beijing? Tulad din ba ng sa atin?

Para sa akin, ang Pasko ay isang Happy celebration dahil ang ating Lord and Savior ay sumilang na. Bilang paghahanda sa pagdating ng Pasko, tayo ay naglalagay ng mga Christmas décor at ang paborito kong Christmas symbol ay ang parol. Naniniwala ako na ang parol ay symbol ng Paskong Pilipino. Merry Christmas sa inyong lahat diyan, Kuya Ramon.

 

v Gabi ng Musika ika-44 2012 2012-12-17

Sabi ng 910 619 8402: "Gandang umaga... Ang lahat ng voice na naririnig ko sa SW ay walang panama sayo. Hitsura lang nila. Wala silang K. Ikaw merong K. Isang bati naman jan sa b-day ko."--Sabay kambiyo, ha?

Sabi naman ng 915 807 5559: "Mahal ka naming lahat. Sabihin mo lang kung ano pa ang gusto mong gawin namin bukod sa pakikinig. Nandito kaming lagi para sa iyo."

Sabi naman ng 928 415 6462: "Love is sweet lalo na doon sa mga diabetic. Calling all broken-hearted people. Magpa-by-pass operation kayo."

 

v Gabi ng Musika ika-43 2012 2012-11-26

Sabi ni Stephani Lim ng C. M. Recto, Sta. Cruz, Manila: "Kuya Ramon, may isang bagay akong napuna sa Partido Komunista ng Tsina at ito ay ang pagiging popular nito sa masa. Pinaglilingkuran nang tapat ng partidong ito ang mga mamamayang nagluklok dito."

Sabi naman ni Manny Feria ng San Juan, Cabangan, Zambales: "Maraming lihim na tagahanga ang Partido Komunista ng Tsina at isa ako sa mga tagahangang ito, kaya lagi kong sinusundan ang mga pagpupulong nito."

Sabi naman ni Lara Carpio ng Shunyi, Beijing, China: "Salamat sa Partido Komunista ng Tsina, tumaas ang international status ng China. Sana magpatuloy ang CPC sa paglilingkod sa higit na nakararaming masang Tsino."

Sabi naman ni Sarah Samudio ng AMA Computer Center: "Vague na vague ang idea ko ng Chinese Communist Party. Salamat sa inyong mga espesyal na programa. Bina bati ko ang CPC sa pagdaraos nito ng mahalagang meeting."

 

v Gabi ng Musika ika-42 2012 2012-11-07

Sabi ni Angel Hilario ng Sta. Catalina College Manila: "Hi Sir Ramon! Halloween is not too important to me, pero it is a good excuse to reach out to you and your Filipino Service. Hope everybody is doing okay."

Sabi naman ni Merry Jeanne ng Carmona, Cavite: "Huwag nating hayaang mawala ang tunay na diwa ng Todos Los Santos sa pagpunta natin sa Kampo Santo. Samahan natin ng dasal ang mga sinisindihan nating kandila para sa ating mga mahal na yumao."

Sabi naman ni Aubrey ng Oroquieta, Sta. Cruz, Manila: "Sino si Loving DJ sa akin? Siya ang tenga ng mga ayaw pakinggan; kaibigan ng mga nilalayuan at iniiwasan; respirator ng mga mabibigat ang dibdib; at anghel na hulog ng langit."

 

v Gabi ng Musika ika-41 2012 2012-10-31

May mga natanggap akong Halloween greetings. Popular pa ba riyan sa atin ang Halloween? I mean, marami pa bang nagsusuot ng costume at nagpa-party-party kung bisperas ng All Saints' Day? Dito, hindi naman talagang popular pero may mga nag-o-organize rin ng party lalo na sa mga bar at star hotel. Anyway, salamat sa lahat ng mga nagpadala ng greetings, lalo na sa mga taga-Benguet, Pangasinan at Zambales.

Kung nakikinig si Manuela ng Bel-Air, Makati, iyong request mong paper-cuts at wall carpet ay naipadala na namin. Paki-abang na lang, ha? Malapit nang dumating iyon. Blue and green iyong kulay ng wall carpet.

At kay Grace ng Molino, Bacoor, Cavite, naipadala na rin namin iyong request mong digital short-wave radio. Masayang pakikinig sa iyo, Grace. Malakas iyang model na iyan, ha?

 

v Gabi ng Musika ika-40 2012 2012-10-26

Isa ako sa mga nangangarap na makapunta ng China, at kung makakarating ako ng Beijing, ang gusto kong puntahan ay ang Bird's Nest na ginamit noong 2008 Olympics. I am just wondering kung paano ito nabuo sa imagination ng arkitekto. Enjoy na enjoy ako pag nagpi-feature kayo ng mga magandang lugar sa China at lalong nadadagdagan ang hangarin ko na makapunta diyan sa inyo. Sana ipagpatuloy ninyo ang inyong mga travelogues. I will always listen to these programs.

Salamat, Delia, and welcome to Beijing. Kontakin mo lang kami pag nakarating ka na ng China, ha?

 

v Gabi ng Musika ika-39 2012 2012-10-19

Maraming salamat sa bookmarks at sa postcards ng magagandang views sa China. Isinama ko lahat sa mga koleksiyon ng ipinadadala ninyo sa amin.

Pinakikinggan ko nang buung-buo ang transmission ninyo sa gabi, mula sa balita hanggang sa pinakahuling feature program. Wala akong itulak-kabigin sa inyong mga programa. Tinutupad ko ang pangako kong itataguyod ang inyong mga programa.

Gusto ko sanang i-suggest na dagdagan ninyo ang oras ng inyong mga music program na Pop China at Gabi ng Musika. Kaunti lang ang napapatugtog ninyong kanta dahil sobrang iksi ng oras.

 

v Gabi ng Musika ika-38 2012 2012-10-08

May 8 araw na bakasyon ang mga Chinese dito sa Mainland. Ngayong araw, ipinagdiriwang nila ang kanilang Mid-Autumn Festival, at bukas naman, ipagdiriwang nila ang kanilang National Day.

Kaugnay ng nabanggit na dalawang okasyon, maraming tagapakinig ang nagpadala ng kanilang mensaheng pambati. Maraming-maraming salamat sa inyo at happy Mid-Autumn Festival at National Day din sa lahat ng mga kaibigang Chinese riyan sa Pinas.

 

v Gabi ng Musika ika-37 2012 2012-09-27

Kasalukuyang bumibisita ng Beijing si Bro. Felix Pecache ng Episcopal Church Manila. Si Bro. Felix ay matagal nang tagapakinig ng CRI Filipino Service. 1990's pa nakikinig na siya. Sabi niya, hindi na raw niya nakilala ang Beijing dahil sa laki ng pagbabago nito. Marami raw skyscrapers at environment-friendly buildings; malapad na malapad daw ang mga kalye at halos lahat na yata ng modelo ng kotse ay nagyayaot dito; madalang na raw ang bisikleta at maraming electric bicycles; marami raw international retail shops at food chains; at ibang-iba raw ang istilo ng pananamit ng mga Beijinger. Malayung-malayo raw ito roon sa Beijing na nakita niya noong 1993.

Welcome sa Beijing, Bro. Felix. Sana magkaroon ka ng pagkakataon na makabisita sa CRI.

 

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>