Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   
v Gabi ng Musika ika-50 2013 2013-12-24

Sabi ni Bingo ng Ongpin, Sta. Cruz, Manila: "Sa lahat ng Christmas symbols na mayroon tayo, ang pinakapaborito ko ay ang manger. Ito kasi ay magandang representation ng pagsilang ng ating dakilang Manunubos. Ito ay sumasagisag din sa humility."

Sabi naman ni Ronnalyn ng Shunyi, Beijing, China: "Iba talaga ang feeling ng Christmas away from home. Mami-miss mo for sure ang puto bungbong at bibingka, Simbang Gabi, Noche Buena, Christmas Eve Mass at karoling. I wish all my kababayan in Beijing a very merry Christmas."

Sabi naman ni Charlene ng Aguinaldo Highway, Imus, Cavite: "Hi, Kuya Ramon! Posible kaya na mahinto muna ang mga kaguluhan sa mundo kahit man lang sa buong panahon ng Pasko? Ito ang aking dinadasal-dasal at magiging dasal sa Simbang Gabi. Sana samahan ako ng lahat ng faithful sa aking pagdarasal."

 

v Gabi ng Musika ika-49 2013 2013-12-20

Sabi ni Esther ng Adonis, Pandacan, Manila: "Medyo mahirap ngayon ang buhay kaya matuto tayong magtipid at bilhin lamang ang mga bagay na talagang kailangan at iwasan muna ang mga luho. Kung tayo ay magluluto o bibili ng pagkain, siguruhin natin na walang mga tira para walang masayang."

Sabi naman ni Lily ng Olongapo City, Zambales: "Fully appreciated ang fashion show ni Renee Salud sa Beijing. Panahon na para ipromote natin ang mga disenyong Pilipino at mga materyal na Pilipino. Binabati ko ang lahat ng nasa likod ng pagtatanghal na ito. Sana masundan pa ito."

Sabi naman ni Maria Luisa ng Reina Regente, Binondo, Manila: "Talagang totoo ang sabi mo na ang pinakamabisang panlaban sa tukso ay iwasan ang matukso. Naalala ko ito noong ako ay magtrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia. Kung hindi rito nasira sana ang pamilya ko. Ngayon, kahit hindi ako kumikita nang malaki, masaya kami ng mag-anak ko."

 

v Gabi ng Musika ika-48 2013 2013-12-12

Quote for the Day: "Judge a person by their questions rather than their answers."—Voltaire

Kumusta na kayo? Sana okay lang kayo riyan kahit na minamakmak tayo ng kung anu-anong problema. Ganyan talaga ang buhay, eh. Magpakatatag lang tayo at laging isipin na malalampasan din natin ang mga ito sa malao't madali.

v Gabi ng Musika ika-47 2013 2013-12-09

Sabi ni Fritz ng Molino II, Bacoor, Cavite: "Binabati namin kayo sa matagumpay ninyong Dictionary for Charity at charity bazaar. Ito ay malaking tulong na materyal at moral sa mga biktima ng bagyo. Mapi-feel nila na kahit kayo ay nasa malayong lugar, nakahanda kayong dumamay sa kanila."

Sabi naman ni Jenny ng Wack-Wack, San Juan, Metro Manila: "Talaga ngang resilient ang mga Pilipino. Pagkaraan ng bagyo, bumalik uli sila sa kani-kanilang lugar para itayo ang kanilang mga bahay. Sila-sila na rin ang nagtutulungan gamit ang mga materyal na nakuha nila sa paligid ang mga materyal na kaloob sa kanila ng charitable institutions."

Sabi naman ni Isko ng Lemery, Batangas: "Mukhang minamalas tayo ngayong taon, Kuya Ramon. Ang dami nating bagyo at may super bagyo pa. Sana huwag muna tayong daanan ng malakas na bagyo sa mga susunod na taon para totally maghilom ang sugat na dulot ng bagyong Yolanda."

 

v Gabi ng Musika ika-46 2013 2013-11-29

Buksan natin ang ating munting palatuntunan sa isang maikling panalangin para sa mga nasalanta ng bagyo sa parteng Samar at Leyte. Manalangin tayo…

Kumusta na kayo riyan mga giliw na tagasubaybay. Sana okay lang kayo kahit na ang bansa natin ngayon ay nasa state of national calamity at kasalukuyang nagluluksa para sa mga nasawi sa bagyong Yolanda.

Gusto kong pasalamatan ang lahat ng mga nagtaguyod ng aming Dictionary for Charity, lalo na iyong mga kababayan dito sa Beijing at mga kanugnog-purok. Lubos na pinahahalagahan namin ang inyong tulong para sa mga kababayan nating nabiktima ng bagyong Yolanda at hindi namin makakalimutan ang inyong kabutihang-loob. Pagpalain nawa kayo ng Panginoon.

 

v Gabi ng Musika ika-45 2013 2013-11-19

Kumusta na? Okay lang ba kayo diyan? Sana okay, ha? At kung may problema man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan.

Salamat kina Patricia ng Kalookan, Lanie ng Maynila, Nympha ng Olongapo, Bing ng San Juan at Alice ng Makati. Natanggap ko na ang inyong text messages at babasahin ko ang mga ito maya-maya.

Salamat din sa 928 442 0119, 906 201 1704, 919 564 9010, 917 483 2281, 915 807 5559, 921 577 9195, 906 522 9981, 921 348 2588, 917 466 2270 at 918 730 5080. Sana hindi kayo magsawa ng pagpapadala ng SMS sa amin.

v Gabi ng Musika ika-44 2013 2013-11-13

Sabi ni Cindy ng Olongapo City, Zambales: "Kaawa-awa naman iyong mga migrante na inabot ng gutom at uhaw sa Sahara Desert. Karamihan sa kanila ay namatay at doon na rin inilibing. Iyan ang isa sa mga masamang resulta ng mga gulo sa iba't ibang parte ng mundo." ...

v Gabi ng Musika ika-43 2013 2013-11-04

Kumusta ang Inyong Halloween?

Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana okay ha? At kung hindi man dahil may problema, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan.

Happy birthday kay Jeffy Sumilhig ng Mandaue City, Cebu. Ipinaaabot ko ang pagbating ito sa ngalan ng CRI Serbisyo Filipino. Sana okay na kayo riyan sa Mandaue. God bless.

v Gabi ng Musika ika-42 2013 2013-10-30

Sama-samang Magdasal para sa mga Biktima ng Lindol sa Cebu at Bohol

Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp. Buksan natin ang ating munting palatuntunan sa isang maikling panalangin para sa mga biktima ng lindol sa Cebu, Bohol at mga karatig na purok. Manalangin tayo…Panginoon, nananalangin kami na nawa'y makayanan ng mga kababayan sa nabanggit na mga lugar sa Kabisayaan ang kanilang pinagdadaanan. Sana'y maghilom kaagad ang sugat sa kanilang katawan, puso at damdamin na dulot ng nabanggit na lindol. Nananalangin kami sa ngalan ng iyong anak na si Hesus. Amen.

Ang Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina ay taos-pusong nakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga nasawi sa lindol sa Cebu at Bohol.

v Gabi ng Musika ika-41 2013 2013-10-18

Sabi ni Rolly ng Guadalupe, Makati City: "Ang pagpunta ni Premyer Li Keqiang sa Brunei, Thailand at Vietnam ay diplomacy in action. Sana tularan ito ng ating mahal na lider at ng mga iba pang lider na Aseano. Kailangan natin ng effective diplomatic strategy lalo na sa kasalukuyang kalakarang pandaigdig."

Sabi naman ni Isko ng Lemery, Batangas: "Itong political hullabaloo ng Democrats at Republicans sa U. S. ay nakakapinsala hindi lang sa karaniwang mamamayang Amerikano kundi maging sa mga mamamayan ng maliliit na bansa na tulad ng Pinas. Dapat isa-isang-tabi nila ang interes ng kani-kanilang mga partido at harapin ang interes ng mga mamamayan sa loob at labas ng U. S."

Sabi naman ni Jeffy Sumilhig ng Mandaue City, Cebu: "Hi! I'm back! Mula nuon hanggang ngayon, kahit napaka-busy ko sa training ko ngayon, hindi ko malilimutang makinig sa inyong programa. Sana po ay makatrabaho ako sa hotel dito sa amin nang sa ganun, kapag may experience na po ako, maari na po akong mag-work abroad lalo na diyan sa Tsina malapit sa inyong istasyon. Kuya Ramon, malapit na po ang birthday ko ngayong ika-27 ng buwang ito. Don't forget to greet me on air. I'm proud to be a CRI listener. Keep it up."

 

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>